Janellle Larawan mula sa IG/Janelle Tee

‘Bikini weather’

February 27, 2025 People's Tonight 157 views

MALAMIG man o mainit, para sa TV host-beauty queen at Vivamax actress na si Janelle Tee walang pinipili ang bikini weather.

Araw-araw para sa kanya ang pagsasaboy ng kaseksihan sa social media. Sa kanyang IG page, bidang-bida ang alindog ni Miss Philippines Earth 2019 sa mga nagseseksihang larawang kanyang ibinandera.

Nag-caption pa nga si Janelle ng “Bikini weather all day, every day, sa kanyang post.

Makikita si Janelle na to the highest level ang patakam habang todo-awra sa harap ng camera suot-suot ang two-piece red bikini.

Bumulaga ang toned body ni Janelle. Halatang sagana sa pampagana ang kanyang karisma, kaya nga ang mga kelot ay palaging napapa-“vitamin J” dahil sa kanya.

Angat ang pigura niya sa mala-siling labuyong anghang ng kanyang hotness.

Ilang netizens din ang nakaka-miss kay Janelle na magkaroon muli ng proyekto sa Vivamax para hindi lang sa mga larawan nila nasasaksihan ang kanyang sex appeal.

Binaha nila ng heart at fire emojis ang nasabing mga larawan ng TV host-beauty queen. Bet na bet nila ang ibinandera niyang wangkata.

AUTHOR PROFILE