Herlene Larawan mula sa IG/Herlene Budol

Bikini sweetheart

November 22, 2024 People's Tonight 156 views

TINAWAG na ngang “bikini sweetheart” ng netizens ang beauty queen at comedienne-actress na si Herlene “Hipon” Budol dahil sa naglalagablab at hindi “budol” na katawan nito.

Para kasi sa kanyang male fans, paborito nilang genre ni Herlene ay sa tuwing naka-bikini ito.

Kakaibang init ang sumirit sa ibinanderang kaseksihan ng “Magandang Dilag” actress at dumaloy sa natutulog na ugat ng mga barako.

Killer body niya ang bumulaga sa Instagram matapos niyang ibahagi ang ilang larawan nang magtungo sa isang beach.

May pa-two piece bikini si Herlene kung saan angat na angat ang rapsang hubog nito.

Sa isa pa ngang larawan ay makikitang todo-salampak sa buhanginan si Herlene na sinamahan pa ang makamandag niyang titig at mapang-akit na awra sa camera.

Tila naloka naman ang netizens sa hotness ng beauty queen. Agree sila na “bikini sweetheart” siya. Agad nilang pinusuan at binaha ng fire emojis ang comment section ng nasabing post.

Naging wild ang mga komento sa nasabing post. Hirit pa nga ng isa sa kanila, “sarap maging buhangin.”

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar