inton

Bike lanes wag gawing parking space — LCSP

October 10, 2021 Jun I. Legaspi 135 views

MARIING nanawagan ang commuter at transport groups na huwag gawing parking space ang mga bike lanes.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) marami ang mga gumamit ng mga non-motorized mode of transport tulad ng bisikleta ngayong pandemya, lalo na noong sinuspindi ang mga public vechicles.

“ Bagamat marami pang dapat ayusin sa mga bike lanes ang mahalaga ay nasimulan na. Marami pa rin dapat ayusin para sa kaligtasan ng mga bikers at maiwasang maging abala sa mga motorista,” ani Inton.

Dagdag ni Inton na ilan sa mga issue na maaring maresolba ukol sa mga bike lanes ay ang mga sumusunod :

Ginagamit na parking spaces ang bike lanes ng mga car owners kaya’t lumalabas ng bike lanes ang mga bikers na maaring magdulot ng aksidente. Pag ginawang paradahan ang bike lanes ay mapipilitang lunabas ng bike lane ang mga bikers at nasasabay tuloy sa mga motorista. Marami na ang naaksidente dahil sa ganito.

Nakakabawas ang bike lanes ng lanes para sa mga motorista lalo na sa mga daan na mabigat ang volume ng traffic.Halimbawa sa East Avenue , Quezon city, may bike lanes kung saan nakahilera ang mga ospital at government offices. Ang labas ng bike lane ay ginawang parking spaces kaya bumabawas ng isa’t kalahating lane para sa motorista. At kapag nagsakay at nagbaba ng mga pasahero ang mga jeep at bus ay nakakaapekto sa daloy ng trapiko.

Maraming nakamotor ang gumagamit ng bike lanes na dapat ay sa bisikleta lamang.

Maghanap ng mga inner o secondary roads para doon ilagay ang mga bike lanes at hindi sa mga national roads.

Kailangan din ng disiplina ng mga bikers na sa bike lanes lang sila dumaan dahil may mga lumalabas at nasasabay sa mga sasakyan.

Idiniin ni Inton na madamk pang dapat ayusin sa mga bike lanes. “Pero ang mahalaga ay nasimulan na ito at kailangan lang na maiayos upang hindi maging abala sa motorista,”aniya.

AUTHOR PROFILE