Default Thumbnail

Biglaang pagsara ng POGO ‘unreasonable’ sa mga investor – Angara

March 25, 2023 People's Tonight 254 views

HINDI umano makatuwiran at hindi sapat ang tatlong buwang phaseout period ang rekomendasyon ng Senate committee report na nanawagan para sa agarang pagpapasra ng Philippine offshore gaming operators (POGO) sa bansa.

Sa report ng Senate Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Senador Sherwin Gatchalian, inirekomenda nito ang agarang pagpasa ng isang resolusyon na humihikayat sa Executive Department na ipahinto na ang operasyon ng POGO.

Pero hindi naniniwala si Angara na sapat ang tatlong buwan para mapatigil na ang operasyon ng mga POGO sa Pilipinas, lalo na aniya para sa mga malaki na ang puhunan dito.

Ayon kay Angara, kailangan at mas resonable ang pagbibigay ng mas mahabang panahon para mapaalis ang mga POGO lalo na’t ang pamahalaan rin naman ang nag imbita na mamuhunan.

Dapat aniyang magkaroon ng mas mahabang phaseout period para sa mga lehitimong POGO operator na nagbabayad ng buwis at employee benefits at naglagak na ng malaking puhunan.

“A longer period would be more reasonable/justified given it was also the government which invited them to invest in the first place,” diin ni Angara.

Kinatigan ng Angara ang naunang sinabi ni Senate Deputy Majority Leader Joseph Victor “JV” Ejercito ang dalawa hanggang tatlong phaseout period para POGO para hindi naman ma-turn off ang mga potensiyal na mamumuhan sa bansa.

Inamin sa committee report, na kulang pa sa lagda ng mga senador para maisumite sa plenaryo ng Senado, na ang Pilipinas ay pinaka-atraktibong opsyon para sa offshore gaming.

Binanggit pa sa report ang 2018 study bagama’t mas mura ang real estate ng Myanmar, Laos at Cambodia, wala naman silang mga magagarang mall, hotel at onsite casino hindi tulad ng Pilipinas.

Ang mga ito aniiya’y dagdag atraksyon sa mga mayayamang turista.

Binanggit din sa report ang Guangxi University Centre for Philippine Studies Director Chen Bingxiang, na nagpaliwang na: “the apparent indispensability of POGOs to the Philippines “is due to the tax revenues and the development of the Philippine economy, as a whole, due to a widespread network of cottage industries that has cropped up around POGOs.”

Sa kabila ng rekomendasyon na i-ban ang POGO sa bansa, tanggap naman ng Senate Ways and Means Committee na nakikinabang ang gobyerno sa industriya ito mula sa gaming tax, corporate and individual income taxes, value-added taxes, local government permits, at fees and charges,

Dagdag pa diyan ang demand para residential, office at commercial spaces, pag-usbong kaanib na industroya tulad transportation, food athospitality, job creation para sa direct at indirect employees, at corporate gains sa Pagcor at CEZA na nag-iisyu ng lisensiya sa POGO, kanilang service providers at gaming agents.

AUTHOR PROFILE