Martin1

Bigas price ceiling suportado ng Kamara

September 1, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 76 views

SUPORTADO ng mga miyembro ng Kamara de Representantes ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. na magpatupad ng price ceiling sa presyo ng bigas.

“We, in the House of Representatives, stand firmly behind President Ferdinand R. Marcos Jr.’s decisive action to ensure every Filipino’s access to affordable rice,” pahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, lider ng 311-kasapi ng Kamara de Representantes.

Sinabi rin ng mga mambabatas na napapanahon at dapat na sabayan ng iba pang hakbang upang maprotektahan ang publiko sa hindi makatwirang pagtataas ng presyo ng bigas ang price ceiling dito.

Pinuri rin ng Kamara ang mga hakbang ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Customs (BOC) upang matugunan ang mga natukoy na dahilan ng pagtaas ng presyo ng pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Nangako ang mga mambabatas na lalo pang paiigtingin ang mga imbestigasyon sa mga alegasyon ng hoarding at price manipulation hindi lamang sa bigas kundi maging sa iba pang produktong agrikultural.

“We believe it is our duty to ensure a steady, stable, and affordable supply of these essential commodities for the Filipino people.

The welfare of our constituents remains our top priority, and we pledge to exercise our mandate to safeguard their interests to the fullest,” sabi pa sa pahayag.

Sa pakikipagtulungan sa Ehekutibo, kumpiyansa ang Kamara na mapalalakas ang sistema at mekanismo upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga konsumer at matiyak na patas ang kompetisyon sa merkado at maproteksyunan ang ekonomiya.

AUTHOR PROFILE