Martin2 Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kasama si Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at mga opisyal ng PRISM, DTI at DA price control team, ay naginspeksyon sa Guadalupe Market sa Makati at sa Farmers’ Market at Nepa QMart sa Quezon City kung saan ay may mabibili ng P42 hanggang P45 kada kilo ng regular at well-milled na bigas. Kuha ni VER NOVENO

BIGAS PABABA NG PABABA NA PRESYO — SFMR

September 11, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 109 views

P42-P45 per kilo nagkalat na sa palengke sa Metro

NAKITA natin may P45 kada kilo, meron ding P42 for broken rice, ‘yung well-milled P45. At ‘yun talaga ang gusto nating makita, na pababa ng pababa ang presyo ng bigas.”

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez matapos ihayag nitong Miyerkules ng mga grupo ng rice retailers na halos lahat ng palengke sa Metro Manila ay naglalako na ng P42 hanggang P45 kada kilo ng regular at well-milled rice dahil sa inisyatiba ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na babaan ang taripa ng bigas sa bansa sa 15 porsiyento.

Bilang patunay, inanyayahan nitong Martes ng umaga ng Philippine Rice Industry Stakeholders’ Movement (PRISM), isang malaking organisasyon ng mga rice traders, si Speaker Romualdez at iba pang mambabatas para maginspeksyon ng presyo ng bigas sa Guadalupe Market sa Makati at sa Farmers’ Market at Nepa QMart sa Quezon City.

“On behalf of the House of Representatives, we welcome this positive development. This is truly in line with the Marcos administration’s commitment to ensuring that food, particularly rice, remains affordable and accessible for all Filipinos,” ani ng leader ng 300-plus-strong House of Representatives.

Kasama ni Speaker sa pagiikot sa palengke sina ACT-CIS party-list Reps. Erwin Tulfo at Edvic Yap at Quezon province Rep. Mark Enverga.

“Inimbitahan po namin si Speaker (Romualdez) para sa market visit para ipakita sa kanya na lahat ay nagbebenta na ng P42-P45 kada kilo ng bigas. Ang nakita po namin dito na factor ‘yung pagbaba po ng taripa from 35 percent to 15 percent,” ani Orly Panuntag, pangulo ng PRISM.

“So natutuwa po ‘yung mga retailers natin tsaka ‘yung mga consumers po natin meron silang aasahan ngayon na P42 hanggang P45, ibababa pa po namin,” dagdag pa niya.

Ikinalugod naman ni Speaker and kapansin-pansin na agarang pagbaba ng presyo ng mga bigas dahil sa pagbaba ng taripa.

“Nag-iinspect lang tayo, minomonitor natin ‘yung presyo ng mga bigas dito, talagang makikita natin ang pagbaba ng presyo ng mga bigas sa abot kayang presyo sa masa. Ito ‘yung programa ng ating President Ferdinand R. Marcos Jr., na abot kaya lahat ng presyo,” sinabi ni Speaker Romualdez.

Karamihan naman sa mga tindero at may-ari ng bigasan sa mga naturang palengke ay nagpapasalamat sa pamahalaan dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.

“Nagpapasalamat po kami at lalo na higit po sa inyong lahat at may dumating na po na mababa,” ayon kay Rey Panganiban, rice trader.

Sinabi naman ni Arnel Figuro, negosyante ng bigas sa Farmers’ Market, na maayos daw ang bentahan ngayon simula nang ibaba ang taripa sa bigas.

“Sabi ko nga kay Speaker kanina, salamat po sa kanila tsaka kay Pangulo natin kay BBM dahil sa tariff na bagong pinalabas nila na 15 percent na tariff at least may nakakabangga ang mga imported ‘yung local natin so nababa…. bumaba ‘yung presyo ng bigas kaya may nakukuha tayo na mura mura. Sana magtuloy tuloy,” ani Figuro.

Ayon naman kay Elaine Cabildo, “Dahil bumaba nga ‘yung bigas marami kaming pwedeng mai-offer na mas mababang bigas kasi nga syempre hirap din sila sa budget kasi nga hindi lang naman bigas ang mahal ngayon.”

“On behalf of the House of Representatives, we welcome this positive development. This is truly in line with the Marcos administration’s commitment to ensuring that food, particularly rice, remains affordable and accessible for all Filipinos,” anang Speaker.

“The reduction in rice prices that we are seeing in these markets is a reflection of our administration’s efforts to stabilize the food supply and protect consumers from price surges. We are hoping that this trend will continue across the country, bringing much-needed relief to Filipino families,” dagdag ng lider ng Kongreso.

Kasama ring nag-ikot sa palengke sina Department of Trade and Industry (DTI) Price Control ASec. Agaton Uvero, Department of Agriculture (DA) Agribusiness and Marketing Assistance Services Asec. Bebang Guevarra, at DTI representatives Dir. Fhillip Sawali, Div. Chief Rosita Jaleco at Asst. Div. Chief Joel Buag.

AUTHOR PROFILE