Default Thumbnail

‘Big-time pusher’ ng shabu huli sa Quiapo

February 9, 2023 Jonjon Reyes 700 views

MULI na namang nakasabat ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) ng malaking halaga ng ilegal na droga mula sa isang “big-time” na tulak umano ng shabu, Miyerkules ng madaling araw.

Dahil sa patuloy na operasyon na isinagawa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng MPD Barbosa Police Station (PS) 14, naaresto ang dalawang suspek sa ikinasang operasyon sa Claro M. Recto Avenue sa Quezon Boulevard, Quiapo, Maynila.

Ang pangunahing suspek ay 20-anyos na tambay, ng Sampaloc, Maynila.

Base sa ulat ni P/Lieutenant Co. Roberto Mupas, station commander ng MPD PS 14, pasado alas 4:10 ng madaling araw (Pebrero 8), nang isagawa ang buy-bust operation sa pangunguna ni P/Maj. John Gil Lobaton, hepe ng SDEU sa Bgy. 391 sa Quiapo.

Isang impormante ang nakabili ng droga sa suspek at matapos na magpositibo ang operasyon ay saka dinamba ng mga operatiba ang suspek.

Nasamsam ang limang plastic sachet ng shabu na nasa 50 gramo na may street value na P34,000.

Ayon kay Mupas, ang operasyon ay buhat ng “Oplan Galugad” na batay sa direktiba ni MPD chief P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon sa patuloy na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) at SAFE (Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions) program ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director P/Maj. Gen. Jonnel Estomo.

AUTHOR PROFILE