Big birthday gift for Marian
NAGSILBING advance birthday gift sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera on her 40th birthday ang kanyang pagkakapanalo ng Best Actress award mula sa 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival for the movie “Balota” a night before her actual birthday (August 12). The movie was directed by Kip Oebanda and produced by GMA Pictures. Nakasama naman niya ang kanyang mister, ang Kapuso Primetime King, award-winning actor, host, film producer, AktorPH chairman and entrepreneur na si Dingdong Dantes na dumalo sa awards night nang kanyang tanggapin ang kanyang kauna-unahang Best Actress trophy.
Dingdong was mighty proud of his wife’s first acting award.
The couple share the same birth month of August. Nung nakaraang August 2 ay kaarawan ni Dingdong who turned 44 habang nitong Lunes (August 12) lamang ay 40th birthday naman ni Marian na nagsimula nung 2005 sa pamamagitan ng isang supporting role sa pelikula ni Bossing (Vic Sotto), ang “Okay Ka, Fairy Ko: The Legend Continues” na pinagbidahan ni Vic Sotto and joint production ng OctoArts Films, M-Zet Productions and APT Entertainment. Nagtuluy-tuloy naman ang pagiging Kapuso actress and star ni Marian when she signed up with GMA which launched her into full stardom in 2007 sa pamamagitan ng local adaptation ng hit Mexican telenovela na “Marimar” na kanilang pinagtambalan ng mister na niya ngayon na si Dingdong Dantes at kung saan din nagsimula ang kanilang colorful love story na nauwi sa kanilang engrandeng pagpapakasal sa simbahan nung December 30, 2014.
The celebrity couple is now blessed with two beautiful children na sina Zia at Sixto na sentro ngayon ng attention ng mag-asawa.
Big winners sa Cinemalaya, Gabby proud maka-tie si Marian
ANG pelikulang “Tumandok” na magkatulong na pinamahalaan nina Richard Jeroui Saldavico at Arlie Sweet Sumagaysay ang nakasungkit ng pinakamaraming parangal (with five) sa nagtapos na 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival last Sunday, August 11 sa Ayala Malls Cinema – Bayside na sinundan ng pelikulang “Kono Basho” with 4 awards sa full length film category. Pumangatlo naman ang pelikulang “An Errand” with two awards. Tig-iisang award naman ang naiuwi ng mga pelikulang “Alipato at Muog,” “Balota,” “The Hearing,” “Kantil” at “Gulay Lang, Manong”.
Pagdating naman sa short film category, may tig-isa ring award ang nakuha ng “Cross My Heart and Hope to Die,” “Primetime Mother,” ‘Abogbaybay” at “Pamalandong sa Danow.
Pagdating sa Best Actress category ay naka-tie ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang maituturing pang newbie ngunit mahusay na actress na si Gabby Padilla na unang napanood sa mga pelikulang “Dead Kids,” “Billie and Emma,” “Kalel, 15” at ang horror movie na “Eerie”.
Malaking karangalan kay Gabby ang pagkakapanalo ng Best Actress award alongside Marian. Napanood umano niya ang pelikulang “Balota” at sobra umano siyang nagalingan kay Marian kaya deserve umano ang panalo nito.
Bukod kina Marian at Gabby, nanalo namang Best Actor si Enzo Osorio for the movie “The Hearing” at Best Supporting Actor naman si Felipe Ganancial for “Tumandok” habang si Jaime Pacena II naman ang tinanghal na Best Director for “Kono Basho” (his directorial debut film).
Ang pelikulang “Tumandok” nina Richard Salvadico at Archie Sweet Sumagaysay ang tinanghal na Best Film.
Ang Cinemalaya 20 Special Jury Award for full length film ay nasungkit ng “Alipato at Muog” ni JL. Burgos habang ang Cinemalaya NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema) Award ay napunta sa pelikulang “Tumandok”.
Sa pagtatapos ng ika-20 taon ng Cinemalaya Philippine Independent Films Festival, tiyak na makaka-cross over sa mainstream movies ang mga writers, directors gayundin ang mga newbie actors.
Jerald at Kim kasal ang kasunod
SINELYUHAN na ng singer, actor-comedian and entrepreneur na si Jerald Napoles ang kanyang sampung taong relasyon sa kanyang longtime girlfriend at live-in partner na isa ring singer, actress-comedienne, entrepreneur na si Kim Molina matapos itong mag-propose kamakailan lamang na ginanap mismo sa lugar kung saan sila unang nagkakilala at naging magkasintahan sa PETA Theater Center over the weekend na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends.
Sa tuwing nagkakaroon ng press conference ang magkasintahan ay madalas silang natatanong kung kelan ang plano nilang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya lalupa’t matagal na silang nagsasama sa iisang bubong. Ang madalas lamang sabihin ng dalawa ay pinaghandaan umano nila ito. Kaya ginulat na lamang ni Jerald ang lahat when he mounted his beautiful and intimate proposal sa kanyang ladylove na inakalang magkakaroon lamang sila ng photo shoot. Pero ibang `photo-shoot’ pala ang mangyayari.
It was in 2014 nang unang magkalapit sina Jerald at Kim sa hit musical play na “Rak of Aegis” na ginanap mismo sa PETA Theater. At that time ay bagong dating lamang sa Pilipinas galing Saudi Arabia si Kim kung saan ito namirmihan ng maraming taon with her family.
Bukod sa singing and acting, maraming common interests ang engaged couple na ngayon kaya tumagal nang sampung taon ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.
They started living together nung panahon ng pandemic dahil mag-isa lamang noon dito sa Pilipinas si Kim habang kasama naman ni Jerald ang kanyang ina sa kanilang bahay sa Tondo, Manila.
Jerald was in Kim’s hit launching movie in 2019, ang “Jowable” at kasunod na rito ang kanilang iba pang hit movies na silang dalawa mismo ang magkatambal.
Ngayong engaged na sina Jerald at Kim ay pa-planuhin naman nila ang kanilang pag-iisang dibdib.
Jerald si 41 at 33 naman si Kim.
Carlos at iba pang Pinoy Olympians darating na, pararangalan sa Malacanang
NAURONG sa araw na ito ng Miyerkules, August 14 ang grand heroes’ welcome na pangungunahan ng 2024 two-time gold medalist sa Paris Olympic Games, two bronze medalists (in boxing) na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio at iba pang atleta na lumahok sa Summer Olympics Games in Paris, France na nagtapos nung nakaraang linggo, August 11, 2024. Ang chartered flight ng mga atleta na magla-landing sa Villamor Airbase ay magdadala sa grupo sa isang grand parade (in some parts of Manila) at magtatapos sa Malacanang kung saan naghihintay si Pangulong Bongbong Marcos at iba pang cabinet officials at isang masaganang hapunan.
Bukod sa kauna-unahang Olympics gold medal ni Hidilyn Diaz (for weightlifting – women divivision) nung 2020 Tokyo Summer Olympics, ito bale ang ikalawang pagkakataon ng Pilipinas na muling makasungkit ng gold, hindi lamang isa kundi isang back-to-back gold win courtesy of Carlos Yulo na isang multiple medalist gymnast ng Pilipinas.
Although na kay Carlos Yulo ang attention ng lahat, dapat ding purihin at parangalan ang Filipino coach ni Carlos na si Allen Aldrin Castaneda, maging ang dalawang Filipino boxers na nakapag-uwi ng dalawang bronze kundi maging ang lahat ng atleta na nagpakitang gilas and tried their best na makasungkit ng medalya for the Philippines.
Ang bagong panalo at karangalan ng Pilipinas ay magsilbi rin sanang eye-opener na sana’y suportahan at pangalagaan ang ating mga sariling atleta na hindi naman sila nagmu-mukhang kawawa sa iba’t bans ana bitbit ang bandila ng Pilipinas.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.