Bicol1

Bicol River Basin Program sisimulan na sa 2025

November 6, 2024 Chona Yu 130 views

AARANGKADA na sa unang quarter ng susunod na taon ang konstruksyon ng Bicol River Basin Program.

Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pamamahagi ng ayuda sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Pili, Camarines Sur, sinabi nito na inaasahang magiging solusyon sa kalbaryo ng mga taga-Bicol ang naturang proyekto.

Inaayos na aniya ngayon ang detailed engineering design at pagpasok ng 2025 ay masisimulan na ang naturang flood program.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na nakumpleto na ang updating at pagbabago ng masterplan at feasibility study ng Bicol River Basin Program nitong nagdaang Hulyo.

Ayon sa Pangulo, kinakailangan na maging akma sa mga hamon na nakaamba dulot ng climate change ang proyekto.

“Hulyo nitong taon ay nakompleto na ng Department of Public Works and Highways ang updating, ang pagbabago ng masterplan at feasibility study ng Bicol River Basin upang gawin itong akma sa mga hamon ng pagbabago ng klima natin,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Sa kasalukuyan ay inaayos na ang detailed engineering design na inaasahang masimulan sa first quarter ng susunod na taon, next year. Pagpasok ng new year, ng 2025 ay masisimulan na natin itong ating mga ginawang plano para di na ganito kalala ang pagbaha sa Bicol River Basin,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaan na noong nakaranag buwan, inatasan ni Pangulong Marcos ang DPWD nap ag-aralan ang Bicol River Basin Program na proyekto noong 1973 ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

AUTHOR PROFILE

Nation

SHOW ALL

Calendar