Bicol Museum

Bicol Museum bukas na sa Agosto 8

August 4, 2023 People's Tonight 308 views

Bicol MuseumMATAPOS ang halos dalawang buwang pagsasara, muli nang bubuksan ang Pambansang Museo ng Pilipinas sa Bicol sa Martes, Agosto 8.

Nagsimula noong Hunyo 9, 2023 ang pansamantalang pagsara ng museo bilang tugon sa pagdedeklara ng alert level 3 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) para sa bulkan ng Mayon.

Naglalaman ng mga kahanga-hangang eksibisyon, matatagpuan sa tabi ng Cagsawa Church Ruins ang NMP-Bicol.

Bubuksan ang museo mula Martes hanggang Linggo, mula 9 a.m.. hanggang 5 p.m.

Ayon sa tagapangasiwa ng museo, tatanggapin ang mga bisitang walk-in sa mga oras ng operasyon.

Para sa mga nagnanais ng mas magandang karanasan, maaaring mag-ayos ng libreng tour sa pamamagitan ng pagpapadala ng private message sa museo.

AUTHOR PROFILE