Toni

Bibig ni Alex, gustong ma-MTRCB ni Toni

December 6, 2021 Vinia Vivar 187 views

Everybody knows na sobrang close ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga at talagang grabe rin ang suporta’t pagmamahal nila sa isa’t isa.

Pero syempre, may mga ugali rin silang ayaw nila sa isa’t isa at ibinahagi nila ito sa virtual mediacon ng Metro Manila Film Festival 2021 movie nila na The Exorsis.

Ayon kay Alex, ang gusto niyang alising ugali ng Ate Toni niya ay ang pagiging stiff nito.

“Mas gusto ko ‘yung mag-let go siya, maging mas ano siya, open. Kasi ang ate ko is very ano ‘yan, eh, introvert ‘yan, eh. So, kailangan, matagal-tagal bago niya ilabas ‘yung totoo niyang personality.

“So, gusto ko lang mas mag-let go siya para mas makilala siya ng mas maraming tao, mas maintindihan siya ng maraming tao,” sey ni Alex.

Si Toni naman, ang gustong baguhin kay Alex ay ang pagiging madulas ang dila nito.

“Na kung anu-ano na minsan ang pinagsasasabi na parang sumusobra na sa linya. ‘Yun siguro, ‘yung magkaroon ng MTRCB ‘yung bibig niya. Para alam naman niya ‘yung ‘ops, hindi na pala ‘to for general patronage.’

“Kasi ‘to minsan, ang bibig nito ’pag nagdire-diretso, parang armalite na lang na lahat na lang. ‘Yun siguro. ‘Yung filter. ‘Yung filter ng camera, eh, magamit sa bibig ni Alex,” sabi ni Toni.

Hirit naman ni Alex, “Hindi kasi, no filter ako.”

Anyway, happy ang magkapatid na may MMFF movie na naman sila together. Matatandaang ang una nilang filmfest movie ay ang Mary, Marry Me noong 2018.

Sey ni Toni, bata pa sila ay talagang pumipila sila sa MMFF movies tuwing Disyembre kaya sobrang sarap daw sa feeling na kung dati ay nanonood lang sila ng filmfest movies, ngayon ay sila na ang pinapanood.

Mula sa direksyon ni Fifth Solomon, mapapanood sa mga sinehan ang The Exorsis sa Dec. 25 along with the other MMFF official entries.

AUTHOR PROFILE