Ruru

Bianca, proud sa muscle-muscle ni Ruru

May 27, 2022 Jun Nardo 956 views

BORTA na, yummy pa ang resulta ng transformation ng Kapuso hunk na si Ruru Madrid.

Preparasyasyon ni Ruru ang magkaroon ng magandang katawan para sa Kapuso series niyang Lolong lalo na’t may mga eksenang hubad ang pang-itaas na suot, huh!

Siyempre pa, proud sa bagong look ni Ruru ang rumored girlfriend niyang si Bianca Umali.

Muscle-muscle nga naman kaya masarap pisil-pisilin ang katawan ng BF.

Samantala, si Bianca naman, eh, time out muna sa work sa pagtatapos ng Regal-GMA series niyang Mano Po Legacy: Her Big Boss na magtatapos na’t papalitan ng Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

PARA SA AMA

TAKOT ang naramdaman ng Viva singer na si Arthur Nery nang sabibing isasalang na siya sa debut concert niya.

Yes, ang rising balladeer at isa sa hottest names sa OPM na si Arthur ay magkakaroon ng debut concert simply titled Arthur Nery sa July 2 sa New Frontier Theater.

Inaalay ni Arthur ang una niyang live concert sa namayapang ama dahil katuparan ito ng pangarap ng ama na makilalang singer si Arthur.

Take note, ang single niyang Pagsamo released last 2021 ay may 200 million streams sa Spotify, Apple Music at You Tube, huh!

Para sa ticket inquiries, tumawag sa Viva 0917-182-5560 o Ticketnet (02-911-5555).

AUTHOR PROFILE