Bianca proud GF kay Ruru
Proud na proud at hangang-hanga si Bianca Umali sa boyfriend na si Ruru Madrid dahil sa husay na ipinamalas nito sa “Green Bones,” one of the official entries to the 50th Metro Manila Film Festival.
Sa kanyang Instagram account ay abot-abot ang papuri ng aktres sa kanyang mahal.
Aniya ay tinuturing niya itong idolo at nagpapasalamat siya na kanya raw si Ruru.
“Ikaw ang tunay na idol ko.”
“Salamat mahal ko, at palagi mong ipinagmamalaki na ako ang inspirasyon mo. Pero sa totoo lang – baliktad – Ikaw ang sa akin at ipinagpapasalamat ko na ikaw ay akin. Bakit? Dahil maliban sa kahusayan mo, tinitingala kita dahil sa busilak mong puso, dahil likas na mabuti kang tao at dahil isa kang ehemplo na karapat dapat tularan. Kaya ka mahal ng Ama,” ang simulang mensahe ni Bianca kay Ruru.
Pinuri rin ng aktres si Dennis Trillo at ang buong produksyon ng ‘Green Bones.’
“Ang ‘GREEN BONES’ ay isang obra maestra na tunay na kahanga-hanga at nakapagbibigay-inspirasyon. Sa buong produksyon – mula sa @gmapictures , @brightburnentertainment , direk @zigcarlo , hanggang sa lahat ng mga aktor na kabilang dito at lalong lalo na kina kuya @dennistrillo at @rurumadrid8 – ang inyong pangitain, pagkamalikhain, at dedikasyon ay nagbunga ng isang pelikula na walang alinlangang mag-iiwan ng pangmatagalang epekto sa mga manonood,” pahayag ni Bianca.
“Natutunan ko – na ang pagiging mabuting tao ay walang pinipili. Ikaw ang pumipili nun,” aniya pa.
Diin pa ni Bianca, “Proud ako dito. Sobra pa sa sobra. Panoorin po sana ninyo, maniwala po kayo sa akin. Maiintindihan ninyo kung bakit at hindi kayo magsisisi.”
ATE VI NANGANGAMOY BEST ACTRESS
Nangagamoy Best Actress si Star for All Seasons Vilma Santos sa kanyang entry this year sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), ang “Uninvited” ng Mentorque Productions at Project 8 Projects directed by Dan Villegas.
Napanood namin ang pelikula sa special screening last Wednesday and we’d say na napakalaki ng posibilidad na maka-back-to-back ng Best Actress award si Ate Vi.
Matatandaang last year ay siya rin ang nagwagi for the said award sa MMFF Gabi ng Parangal para sa pelikulang “When I Met You in Tokyo.”
Muli ay ipinakita ng Star for All Seasons na wala pa rin siyang kupas pagdating sa kahusayan sa pag-arte. Ang galing-galing niya sa breakdown scene niya nang makita niya ang bangkay ng kanyang anak played by Gabby Padilla. It was so powerful, so heartbreaking.
Aga Muhlach is definitely a must-watch, too, sa kanyang performance as Guilly na talaga namang sinalo na yata ang lahat ng kasamaan.
Definitely, out of the box ito para sa aktor at nai-pull-off niya in full colors.
Hindi rin nagpatalbog si Nadine Lustre, who plays Nicole, daughter of Guilly na mayroon ding dark secrets.
Best scene niya ang part na paulit-ulit niyang minura ng “put**a mo” ang amang si Guilly.
Definitely, “Uninvited” is Vilma’s movie at hindi na kami nagtataka kung bakit ito ang mas pinili niya over “Espantaho.”
Ang masasabi lang namin, make sure na isama n’yo sa list ng MMFF films na panonoorin n’yo ang “Uninvited” dahil it’s really worth your money.