Bianca at Iza may posibilidad na sabay manganak

October 15, 2022 Aster Amoyo 423 views

Iza1

FILIPINO-Canadian actress, music video director and social media influencer Bianca King is now an expectant mom sa kanilang magiging first baby ng husband niyang si Ralph Wintle na isang British national at nakababatang kapatid ng husband ng actress na si Iza Calzado na si Ben Wintle.

Sina Bianca at Ralph ay ikinasal sa sarili nilang living room ng bahay nila sa Sydney, Australia nung June 4, 2021. Ito rin ang rason kung bakit tinalikuran ng aktres ang kanyang showbiz career sa Pilipinas to start a new life in Australia with her husband.

Bianca was loveless when she accidentally met Ralph sa intimate beach wedding nina Iza at Ben in Coron, Palawan nung December 19, 2018 kung saan tumayong best man si Ralph sa kasal ng elder brother.

Bukod sa pagiging good-looking, na-impress si Bianca sa pagiging articulate nito nang magbigay ito ng mensahe para sa bagong kasal.

Sinabi niya sa sarili na gusto niya itong maging boyfriend. Hindi naman siya nabigo dahil nagkapalagayan sila na ng loob kalaunan.

Although three years apart ang kasal nina Iza at Bianca, halos sabay silang nabuntis. Iza at 40 at 37 naman si Bianca.

Parehong nakatakdang magsilang sa kanilang respective babies sina Iza at Bianca early next year.

Dahil gusto ni Bianca ng normal delivery ng kanyang first baby, panay ang pagi-exercise nito ngayon.

“Building strength for natural childbirth. Trying to minimize my risk of getting gestational diabetes and preeclampsia by exercising and eating healthy,” post ng actress sa kanyang IG page.

Kung ang mag-sister-in-law na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis ay dalawang buwan lamang ang pagitan ng panganganak sa kanilang first babies, mukhang ganito rin ang mangyayari sa mag-sister-in-law na sina Iza at Bianca o baka magkasukob pa ng buwan.

Jeffrey

Jeffrey waging best director sa New York

DOUBLE purpose ang pagtungo sa Amerika ng singer-actor, director and entrepreneur na si Jeffrey Hidalgo. Una, para mag-participate sa Chicago Marathon at pangalawa para dumalo sa International Film Festival Fim Festival Manhattan in New York City, USA kung saan siya ang tinanghal na Best Director para sa kanyang Vivamax movie na “Lampas Langit” (Beyond Heaven) na ginanap nung nakaraang October 13, 2022.

The romance-thriller movie which was streamed on Vivamax stars Christine Bermas, Ricky Davao, Chloe Jena at Milana Ikemoto, among others.

Pangalawa, para makapagbakasyon na rin.

Samantala, marami ang nagtataka kung bakit single pa rin si Direk Jeffrey hanggang ngayon pero super close naman siya sa kanyang dating kasamahan sa Smokey Mountain, ang singer-actress na si Geneva Cruz na single din ngayon matapos ang dalawang beses na failed marriages.

The best of friends (lang?) ang turingan sa isa’t isa nina Geneva at Jeffrey na madalas magkasama sa mga lakaran laluna sa kanilang mga beach getaways.

Very close rin si Jeffrey sa namayapang ina ni Geneva maging sa kanyang bunsong anak na si London.

Marami ang naniniwala na more than friends ngayon ang dalawa..

Nung mga bagets pa sila sa Smokey Mountain, inamin ni Jeffrey na niligawan umano niya si Geneva.

Hindi kaya’t silang dalawa ang nakatadhana para sa isa’t isa?

Klarisse nagpapasalamat kay Vice Ganda

SOBRA ang pasasalamat ng birit singer at first runner-up sa unang season ng The Voice Philippines nung 2013 at grand winner sa ikatlong season ng “Your Face Sounds Familiar” na si Klarisse de Guzman (31) kay Vice Ganda dahil ito ang producer ng kanyang kauna-unahang first solo major concert .

Pinamagatang “Klarisse: Her Time,” ito’y gaganapin sa New Frontier Theater in Araneta City, Quezon City sa darating na November 18, 2022.

Hindi man nasungkit ni Klarisse ang pagiging grand champion ng The Voice Philippines, ito naman ang naging daan ng kanyang pagpasok sa mainstream entertainment sa tulong ng ABS-CBN, Star Music at “ASAP Natin `To” kung saan siya kasama sa tinatawag na`Birit Queens’ na kinabibilangan din nina Morissette, Angeline Quinto at Jona.

Zanjoe

Zanjoe at Ria nagkakamabutihan

ZANJOE Marudo is not in a hurry to have his own family kahit 40 years old na siya.

Na-link siya noon kina Mariel Rodriquez at Bea Alonzo at ang pinaka-huli ay sa Siargao-born (of Filipino, Spanish, Scottish and Australian descent) na si Josie Prendergast, pero lahat ay nauwi sa hiwalayan.

Sa ngayon, may mga lumulutang na balita na nagkakamabutihan umano sila ni Ria Atayde, 30, dalagang anak ng veteran actress na si Sylvia Sanchez at nakababatang kapatid ng actor-politician na si Arjo Atayde.

Ang dalawa ay unang nagkalapit nang magkasama sila sa TV series na “My Dear Heart” pero hindi nagtuluy-tuloy ang kanilang relasyon at nagkaroon pa ng ibang girlfriend ang actor.

May mga balitang lumabas na nagkasama umano ang dalawa ng namasyal sa Amerika kamakailan lang.

Nang makapanayam ni Korina Sanchez si Sylvia, inamin nito na nagkakapalagayan ang dalawa pero wala pa umanong sinasabi sa kanya ang mga ito kung sila na nga.

Wala namang tutol sa binatang actor ang pamilya ni Ria.

Samantala, ang nakatatandang kapatid ni Ria na si Arjo ay engaged na sa kanyang kasintahang si Maine Mendoza at malamang na ikasal na sa isang taon.

Angelica

Taon ng mga celebrity baby

SA taong ito may pinakamaraming celebrity babies ang isinilang at may ilan pang celebrity moms ang inaasahang magsilang bago magtapos ang taong kasalukuyan.

Ang Filipino-German classical singer na naging 2nd runner-up ng 2015 Asia’s Got Talent held in Singapore in 2015 na si Gerphil Flores-Libanan ang kauna-unahang celebrity mom na nagsilang ng kanyang first baby sa kanyang husband na si Brad Libanan nung January 2022 na sinundan ng Kapuso actress na si Anna Vicente sa kanyang non-showbiz husband na si Paolo Mercado. Kambal na anak ang isinilang ni Anna nung February 23, 2022 na sina Alexandra Isabelle at Isaiah Paolo.

Other female celebrities who gave birth this year include Isabelle Daza’s sister na si Ava Daza na sinundan nina Angeline Quinto, Rich Asuncion, Jennylyn Mercado, Kryz Uy, Iya Villania, Dimples Romana, Kitkat, Arny Ross at Angelica Panganiban.

Next month ay nakatakdang magsilang si Rita Daniela sa kanyang first baby courtesy of her non-showbiz boyfriend. Other expectant moms include Jessy Mendiola, Melissa Ricks, ang mag-sister-in-law na sina Iza Calzado at Bianca King at iba pa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE