BI Source: BI

BI hindi nagdedeport ng mga sanggol — Tansingco

August 4, 2024 Jun I. Legaspi 87 views

NILINAW ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na hindi nagdedeport ang ahensya ng mga sanggol o babies.

Ito ay kasunod ng balita na isang bagonng silang na sanggol na anak ng manggagawa ng Smart Web Technology ang kasama sa ipinadeport ng BI.

Sinabi ni Tansingco na katunayan ay tinulungan nila ang pag-alis ng sanggol makaraang madeport ang kanyang mga magulang.

“We have waived other requirements to allow the smooth travel of the child, who left together with the parents,” saad ni Tansingco.

Binigyang-diin ng opisyal na ang polisiya ng BI ay tiyakin ang proteksyon sa mga minor na naharap sa hindi inaasahang sitwasyon habang nasa bansa.

Ibinahagi pa ni Tansingco ang pagkakaharang sa tatlong Vietnamese minors na sinasabing gumamit ng nakaw na German passports.

Dalawa sa mga ito ang agad na pinabalik sa pinanggalingang bansa habang ang isa ay itinurnover sa Department of Social Welfare and Development para matulungan bago ang kanyang byahe pabalik sa Vietnam nitong August 3.

AUTHOR PROFILE