
BH BAGONG HENERASYON NASA ‘WINNING CIRCLE’
LUBOS na ikinagalak ng Bagong Henerasyon (BH) Party-list, sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera, ang pinakahuling Pulse Asia survey result kung saan ipinapakita na malakas ang suportang nakuha nito ilang buwan bago ang midterm elections sa Mayo.
Sa 0.85 percent voter preference, malaki ang tsansa ng BH na mapanatili ang silya sa Kongreso upang maipagpatuloy ang adbokasiya para sa mga solo parent at mga mamamayan na hindi gaanong nabibigyan ng atensiyon ng pamahalaan.
Nagpapasalamat si Herrera sa tiwala ng mga botante at muling tiniyak na ang BH ay isusulong ang mga polisiyang makakatulong sa sambayanang Pilipino.
“We are grateful for the continued trust of the people. This motivates us to work even harder to pass laws that provide real solutions—economic relief, education support, and stronger social protection,” wika nito.
Patuloy na isinusulong ng BH Party-list ang mas malawak na tulong-pinansiyal at social support para sa solo parents, at tinitiyak na magkakaroon ng access ang mga anak nila sa abot-kayang childcare, housing aid at job opportunities.
Matagal nang ipinaglalaban ni Herrera ang pagpapalawig ng suporta ng gobyerno sa mga kapos-palad, partikular ang mga mababang sahod na solo parents upang kahit paano ay matulungan silang maitaguyod ang kanilang mga anak.
Higit sa kapakanan ng kanilang pamilya, ipinaglalaban din ng BH ang malawak na oportunidad sa edukasyon sa pamamagitan ng scholarhips at financial aids, habang adbokasiya ring mapanatiling abot-kaya sa mga konsyumer ang presyo ng mga basic goods.
Pokus din ng party-list group ang disaster resilience sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga maaayos na infrastructure projects, emergency response systems at direct economic aid sa mga mahihirap na pamilya at maliliit na mga negosyante upang makabangon sa kanilang mga paghihirap.
Habang lumalapit ang 2025 midterm elections, nangako si Herrera ng mas ibayong grassroots efforts para maabot ang mga pamilya sa bawat sulok ng bansa.
“We welcome this strong public support and will continue fighting for policies that uplift the lives of Filipinos. With the trust of the people, we can achieve even more in the next Congress,” sey pa ni Herrera.
Ang isinagawang Pulse Asia survey nitong Pebrero 20-26, 2025, ay nagpapakita na isa ang BH Party-list sa mga pinipili ng mga botante.
Lumalabas na 46 party-list groups ang malaki ang tsansa na makakuha ng silya sa House of Representatives kabilang na ang Bagong Henerasyon.
Gumamit ang survey ng nationwide sample, na sumasakop sa sentimyento ng iba’t ibang socioeconomic classes at regions.