Bgy kagawad, driver nahulihan ng illegal lumber

January 19, 2022 Jonjon Reyes 79 views

BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang isang Barangay kagawad at ang driver nito, makaraang masabat sa sinasakyang truck na lulan ng mga putol-putol na kahoy na “Iron wood” na banned species lumber sa Tacloban City nitong Enero 17, 2022.

Kinilala ni Eric Distor, OIC-Director ng NBI ang mga suspek na sina Clyde Rey Balaan, barangay kagawad at isang Elward Lomongcan, driver ng truck, kapwa residente ng Lianga, Surigao Del Sur.

Batay sa ulat ng NBI Eastern Visayas Regional Office (NBI-EVRO), nakatanggap ng report ang kanilang ahensiya hinggil sa iligal na pagtotroso ng dalawa sa nasabing lugar.

Dahil dito, nasabat ang isang unit wing van na 12-weeler truck na naglalaman ng 13 pirasong “Iron Wood” o “Magkuno”.

Ang naturang 20-footer van ay nanggaling sa isang isla sa Mindanao na dumaan sa Port of San Ricardo at dadalhin sa Municipality of Bato, Leyte at sa Maasin City sa Southern Leyte.

Dahil dito, isang tauhan ng NBI ang nagpanggap na buyer, upang magsiyasat sa kanilang aktibidades at nang makumpirma, dito na sila na-entrap kasama ang ilang kawani ng DENR Region Vlll.

Narekober ang 900,000 na marked money na ginamit sa bentahan ng species lumber.

Ang dalawang naaresto ay dinala na sa DENR-PENRO Palo, Leyte, para sa kaukulang dokumento at sasampahan ng kaso. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE