Default Thumbnail

Bgy hall sa Quiapo nasunog

November 22, 2022 Jonjon Reyes 227 views

HALOS naubos at naabo ang lahat ang mga gamit sa loob ng isang Barangay Hall, makaraang lamunin ng apoy ang unang palapag ng opisina nito sa Quiapo, Maynila Lunes ng gabi.

Wala ng mapapakinabangang gamit tulad ng mga computer na nagsisilbing monitor sa mga closed-Circuit television ( CCTV) sa Barangay 306 sa Carlos Palanca Street sa Quiapo.

Batay sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, pasado 8:10 ng gabi nang maganap ang sunog sa Barangay Hall, sa nasabing lugar.

Ayon sa ilang opisyal ng naturang barangay, bago sumiklab ang apoy ay may malakas na pagsabog diumano na narinig mula sa loob ng barangay hall.

Hanggang sa nagliyab at mabilis na kumalat ang apoy mula sa command center ng barangay at mabilis na nasunog ang mga gamit na nakalagay dito.

Dahil sa naging maagap na aksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), naideklara lamang ito sa unang alarma at hindi na nadamay ang ikalawang palapag ng barangay hall at ang mga katabing gusali nito.

Wala namang iniulat na nasaktan sa sunog habang inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng natupok na apoy na hinihinalang faulty wiring ang isa sa anggulong iniimbestigahan ng arson division.

AUTHOR PROFILE