Default Thumbnail

Bgy chief, 3 pa huli sa ‘anomalya’ sa ayuda

August 27, 2021 Francis Naguit 250 views

ARESTADO ang isang barangay chairman at ilang opisyal nito umano sa malversation of public funds kaugnay sa pamamahagi ng ayuda o Social Amelioration Program (SAP) at pamemeke ng dokumento.

Ayon sa MPD Public Information Office, Hwebes o Augosto 26, 2021 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng pinag-sanib pwersa ng Paz PCP MPD Station 5 at DID-SMART sa pamumuno nina PLt. Col. Evangeline B. Cayaban at PLt. Col. Rosalaino Ibay Jr. sa Bagumbayan St. Sta. Mesa, Maynila si Mario Simbulan Ferrales, 73, chairman ng Bgy 608, Zone 61, District VI, at residente ng 217-C Bagumbayan St sa Sta Mesa.

Naimbitahan din ang ilang mga barangay official na sina Ma. Cristina Zara, 53, Kagawad; Isagani Darilay, 42, Brgy.EX-O at isang John Mark Nagera,24, sa himpilan ng Special MAyor Reaction Team (SMART-MPD) sa ilalim ni PLt. Co. Rosalino “Jhun” Ibay upang tanungin tungkol sa mga pekeng documento ng Special Amelioration Program (SAP).

Nagsumbong sa mga otoridad na hindi sila nakatanggap ng P8,000 ayuda mula sa SAP para sa ikalawang quarter ang mga umano’y biktima na sina Jerson Ceniza, 30, walang trabaho at Renerio Salabo, 32, store attendant, kapwa mga walang asawa.

Ayon sa impormasyon, sila ay kabilang sa mga nakalistang mga recipient ng SAP. Subalit hindi nila natanggap ang dapat sanang cash aid na kanilang makukuha mula sa gobyerno kung kaya’t sila ay dumulog na sa himpilan ng pulisya.

Narekober naman ng mga operatiba sa mga naaresto ang master list ng beneficiaries at dalawang pekeng identification cards na nakalagay sa pangalan at address ng mga complainant na inisyu ng Brgy. 608. Ang mga naarestong suspek ay nasa pangangalaga ngayon ng SMART sa Manila City Hall para maimbistigahan at masamapahan ng karampatang kaso. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE