Bgy chairman ‘nanakit’ ng crew ng MMDA clearing ops

January 24, 2023 Jonjon Reyes 186 views

MISTULANG mahaharap sa kasong asunto ang isang barangay chairman matapos magsampa ng reklamo ang isang tauhan ng Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) matapos umanong “pumalag” ang nasabing punong barangay sa gitna ng isinasagawang clearing operations sa Dagupan Stree, Tondo, Maynila Martes ng umaga.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Maj. Edwin Fuggan, hepe ng Manila Police District (MPD) General Assignment Investigation Section, bandang 8:43 ng umaga (Enero 24), nang magsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng MMDA sa nasabing lugar.

Habang sa gitna ng operasyon, namataan ng grupo ang isang carwash sa tabi ng bangketa at nang kanila itong kukumpiskahin dito na sumulpot umano ang suspek na diumano’y armado ng baril at saka nito umamo “sinita” ang mga crew ng MMDA.

Isang MMDA Metro Aide 1 ang diumanong “sinaktan” ng bgy. chairman at nagkaroon ng komosyon umano sa lugar.

Ayon pa sa ulat ng MMDA, noong isang linggo ay nagpaabiso na sila na magkakaroon ng clearing operations sa kahabaan ng Dagupan St. sa Tondo at kasama umano ang punong barangay sa meeting ng DILG para sa gagawing operasyon.

AUTHOR PROFILE