Default Thumbnail

Bgy chairman nakaligtas sa ambush sa Biñan

February 6, 2023 Gil Aman 346 views

ISANG 41-anyos na barangay chairman ang sugatan matapos hindi mapuruhan sa ginawang pananambang ng hindi pa nakikilalang suspek sa isang kainan, Sabado ng hapon sa Barangay San Antonio, Biñan City, Laguna.

Ayon kay Biñan City Police chief Police Lieutenant Col. Virgilio Jopia, ang biktima ay residente rin ng nasabing barangay sa lungsod ng Biñan.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang nasa loob ng isang kainan ang biktima ay bigla na lamang sumulpot ang suspek at pinaputukan ito ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nangyari ang insidente bandang 1:40 ng hapon, Enero 4 at nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Agad na tumakas ang suspek na kasulukuyang pinaghahanap ng awtoridad na tumakas umano papuntang Bgy. Poblacion, sa nasabing siyudad.

Sinabi naman ni Jopia na nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon at hot pursuit operations laban sa suspek.

AUTHOR PROFILE