Default Thumbnail

Bgy captain, 4 pa patay sa pamamaril; 2 sugatan sa Zambo Del Norte

January 27, 2023 Zaida I. Delos Reyes 257 views

LIMA katao kabilang ang isang kapitan ng isang barangay ang nasawi habang dalawa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin nitong Huwebes sa Zamboanga del Norte.

Nakilala ang mga nasawi na sina Allie Lumiguis Manangca, kapitan ng Barangay Balubuan, Sirawai, Zamboanga del Norte, Ani Lumiguis Manangca, Alfahad Lumiguis Manangca, Anisa JajiManangca at Shilbem Musaddin Basa.

Isinugod naman sa Sirawai Health Unit ang dalawang nasugatang biktima.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente dakong 3:15 p.m. sa Bgy. Piña, Sirawai, Zamboanga del Norte.

Lulan umano ang mga biktima ng isang kulay gray na Toyota Hilux mula Siocon patungo sa Sirawai nang pagbabarilin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod naman sa pagamutan ang mga biktima subalit lima sa kanila ang binawian ng buhay.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo ng krimen.