BF ni Selena binastos ang Pinoy food chain

March 4, 2024 Aster Amoyo 136 views

Selena1HINDI lamang ang mga kababayan nating Filipino ang nag-react at nasaktan sa pambabastos at pagkawalang modo ng boyfriend ng American singer-songwriter, actress at entrepreneur na si Selena Gomez, ang American record producer na si Benny Blanco matapos nitong i-feature sa kanyang TikTok account ang number one food chain sa Pilipinas na humahabol na rin sa ibang bansa laluna sa Amerika, ang Jollibee sa kanilang popular chicken joy, spaghetti with matching pineapple juice.

Habang nakapasa sa panlasa ni Benny ang chicken joy with gravy maging ang pineapple juice, iniluwa naman niya ang tinikmang spaghetti sa ibabaw mismo ng malaking tray ng spaghetti na para bang diring-diri siya. It was a blatant act of disrespect hindi lamang sa nasabing pagkain kundi maging sa kultura ng mga Filipino.

Kung hindi nagustuhan ng nobyo ni Selena Gomez ang lasa ng spaghetti, puwede naman niya itong iluwa either sa tissue o di kaya sa carbage bean na nasa likod lang niya. Bakit kailangang niya itong iluwa sa ibabaw mismo ng tray ng spaghetti? Isa itong indikasyon ng kanyang pagiging walang modo at pagiging insensitive sa mga taong nakapanood sa kanya.

Dahil sa ginawa ni Benny Blanco, katakut-takot na bashing ang kanyang tinanggap mula sa netizens particularly ang mga Pinoy.

Maine hinahanapan na ng apo

MaineKAARAWAN ng `phenomenal star’ na si Maine Mendoza-Atayde kahapon, March 3, araw ng Linggo pero nagkaroon siya ng special birthday celebration sa programang “Eat Bulaga” on TV5 kasama ang Tito, Vic & Joey and the Dabarkads. Sinorpresa naman siya ng kanyang mister, ang actor at kinatawan ng unang distrito ng Quezon City na si Arjo Atayde habang isa-isa namang nagpadala ng mensahe ang kanyang parents at mga kapatid gayundin ang kanyang in-laws, ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez maging ang nakababatang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde.

Sa birthday greeting ng father-in-law ni Maine na si Art Atayde by biniro nito ang kanyang manugang na “Where’s the baby?” isang indikasyon na gusto na nilang magkaapo ng kanyang misis na si Sylvia (Jojo Campo-Atayde) na agad namang sinagot ng natatawang si Maine ng “Soon!”.

Come July 28 ay ise-celebrate ng mag-asawang Arjo at Maine ang kanilang first wedding anniversary.

‘Tahanang Pinakamasaya’ malungkot

TahananMALUNGKOT ang atmosphere ng noontime program na “Tahanang Pinakamasaya” na napapanood on GMA na pinangungunahan ng actor at dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno last Saturday, March 2 dahil namumurong tuluyan nang magpaalam ang programa sa ere dahil sa financial crisis na kinakaharap umano ng producer ng show, ang Television & Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.) na pinamumunuan ngayon ng mga anak ng chairman at co-founder ng dating noontime show na “Eat Bulaga” na si Romeo Jalosjos, Sr. na sina Romeo `Jon-Jon’ Jalosjos, Sr. bilang president at CEO, Seth Frederick `Bullet’ Jalosjos as CFO habang si Soraya Jalosjos naman ang tumatayong VP for Talent Management and Administration.

Aminin man o hindi ng bagong pamunuan ng TAPE, Inc. hindi na-sustain ang programa nang mawala ang original hosts ng show na kinabibilangan nina Tito, Vic & Joey kasama ang Dabarkads na tumagal sa ere ng 44 years. Dahil hindi na maganda ang relasyon nina Tito, Vic & Joey sa bagong pamunuan ng TAPE ay nag-desisyon silang umalis na lamang at lumipat sa kanilang bagong tahanan, ang TV5 kung saan ang ang TVJ na ang co-producer ng programa along with Media Quest ni Manny Pangilinan na siya ring nagma-may-ari ng TV5 network.

Habang madaling nakabawi ang TVJ, unti-unti namang nag-collapse ang bagong ipinalit na noontime program ng TAPE na napapanood sa GMA.

Balita ring umabot na umano sa P800-M ang accumulated na utang ng TAPE, Inc. sa GMA at kung ipagpapatuloy pa ang airing ng programa ay lalong lalaki ang kanilang bayarin sa Kapuso network.

Sa araw na ito ng Lunes ay nakatakda umanong magbigay ng official statement ang TAPE, Inc. habang tahimik lamang hanggang ngayon ang pamunuan ng GMA sa kinakaharap na problema ng mga nasa likod ng programang “Tahanang Pinakamasaya” na tiyak na malulungkot sa magiging desisyon ng kanilang producer.

Although sa December 2024 pa umano magtatapos ang kontrata ng TAPE with GMA, mukhang mapapaaga ito.

Simula sa araw ng Lunes ay pawang replay lamang umano ang mapapanood sa noontime slot ng GMA until such time na maging final na ang pagtatapos ng kasunduan ng Kapuso Network at ng TAPE, Inc.

This early ay marami na ang nagsasabi na tiyak na umano ang paglipat ng “It’s Showtime” program sa time slot ng mababakanteng “Tahanang Pinasaya” Pinakamasaya” sa GMA.

Showbiz nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn

JacklynJacklynNAGLULUKSA na naman ang local showbiz industry sa maagang pagpanaw ng award-winning actress na si Jaclyn Jose kahapon, araw ng linggo, March 3 sa edad na 59.

As of this writing ay wala pa kaming natatanggap ng detalye sa dahilan ng kanyang pagkamatay.

Iniwan ni Jaclyn ang dalawa niyang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Ilagan Guck at mga apo na sina Ellie, Lilo at Koa (mga anak ni Andi), sister Veronica Jones at iba pang kaanak.

Si Jaclyn ay nagsimula sa kanyang acting career in 2004 sa pamamagitan ng “Chikas” ni William Pascual na sinundan ng “Private Show” na pinamahalaan ni Chito Rono. Sa nasabing pelikula ay nakatanggap ang mahusay na actress ng kanyang first nomination bilang Best Actress mula sa FAMAS. She got her first Gawad Urian nomination bilang Best Actress sa kanyang 1985 movie na “While Slavery” na pinamahalaan ng premyadong director na si Lino Brocka. Nasungkit naman niya ang kanyang 1st Gawad Urian win para sa pelikulang “Takaw Tukso. Nung 1996 ay nakatanggap siya ng Best Supporting Actress nominations para sa pelkulang “The Flor Contemplacion Story” mula sa Gawad Urian at FAMAS.

It was in 2016 nang masungkit ni Jaclyn ang kanyang kauna-unahang international award bilang Best Actress mula sa Cannes International Film Festival para sa pelikulang “Ma’ Rosa” na pinamahalaan ni Brillante Mendoza making her the first Filipino and South East Asian actress to win the award. Nung isang taon ay siya ang naging recipient ng Movie Icon Award mula sa The EDDYs. She was also in the movie “Serbis” “Hapag” at iba pa. Huli niyang pelikula ay ang 2023 Metro Manila Film Festival entry na “Broken Hearts Trip” na pinagbidahan ni Christian Bables and produced ng BMC Fim Production ng L.A.-based film producer na si Benjie Cabrena.

Marami rin siyang nagawang serye sa bakuran ng ABS-CBN at GMA at kasama na rito ang “Mula sa Puso,” “Nagsimula sa Puso,” “The World Between Us,” “Bolera,” “Tahan,” “Jose and Marian’s Bonggang Villa” at iba pa. Huli siyang napanood sa top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin na siyang ring co-director at co-producer ng serye.

Si Coco ay isa sa mga close kay Jaclyn dahil may ilang beses silang nagkasama sa mga indie movies kung saan nagsimula ang tinaguriang TV Primetime King.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE