Patrick

Beverly hindi makalimutan si Patrick

June 19, 2023 Aster Amoyo 358 views

SharonPatrick1DAPAT sana’y may housewarming ngayong June 23 ng newly-renovated house ng mag-asawang Patrick Guzman at Liezle sa Toronto, Canada and looking forward to this occasion ang dating model -actor. Pero malamang na ito’y maurong dahil sa hindi inaasahang pagyao ni Patrick nung nakaraang June 16, 2023 (Canada time) dahil sa atake sa puso.

Hindi na umabot sa kanyang ika-56 birthday ang actor na ipinanganak nung October 5, 1967.

Bukod sa kanyang wife na si Liezle, naiwan ni Patrick ang kanyang 15-year-old son na si Aiden.

Ang actor ay huling napanood sa pelikulang “BROMANCE, The Movie” mula sa panulat at direksyon ng Canada-based actress, acting coach, writer at director na si Beverly Vergel produced by MCBN and was shown in Canada. Ang nasabing pelikula ay tribute ni Beverly sa kanyang namayapang nakatatandang kapatid, ang mahusay na actor na si Ace Vergel.

Makikita sa larawan ang cast ng “BROmance….” kasama si Patrick and his wife Liezle at mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion na nasa Toronto at that time for a concert. Nasa larawan din ang Canada-based veteran writer na si Baby K. Jimenez.

In another picture ay makikitang magkasama sina Patrick at Beverly. Narito ang message ni Beverly through her Facebook account para sa namayapang si Patrick:

“This photo was taken in your place when Von (producer) and I was “location hunting” for “BROmance The Movie,” a film that I wrote and directed, produced by MCBN.

I was excited to have you as the lead actor. You said yes without seeing the script! Thank you for your trust, Patrick.

Although you expressed reluctance because you haven’t acted on screen for a long time, it was a full-length comedy film.

I assured you that there’s nothing to worry about because I’ll run a workshop to prep everyone, and you gamely agreed.

I’ll never forget how happy you were at doing a comedy workshop. You enjoyed the funny and silly exercises despite the whole body workout. It was one full day of laughter. I will forever cherish those memories.

I know the entire cast and crew will surely miss you!!! You are our very own and Canada’s PAPA P!!!

Our deepest condolences to your wife Liezle, son and the loved ones you left behind. RIP Patrick.”

In another post ni Beverly, muli siyang nagbahagi ng mensahe for Patrick.

“To a brother, fellow actor and friend.

You are one of the kindest, most sincere, gentlest of souls of a gentleman.

You deserve all the superlatives and more.

You are an angel walking on Earth. I’m sure all who know you will be so sad that you’re back in heaven joining your league of angels because a man like you is so rare”.

Lahat ng taong nakatrabaho, nakasalamuha at nakakakilala kay Patrick ay nagsasabi kung gaano kabait ang namayapang actor who was a heartthrob in Philippine showbiz nung dekada nubenta.

Eisel late bloomer, gustong humabol sa contemporaries

EiselEisel1KAMAKAILAN lamang ay lumagda ng exclusive five-year management contract with Viva Artists Agency ang dating Star Magic artist na si Eisel Serrano, a cum laude graduate from the University of Santo Tomas (US) kung saan siya nagtapos ng Travel Management course.

Last April ay napanood siya sa pelikulang “Love You So Long” opposite Carlo Aquino sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival. Naging bahagi rin siya sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer” na pinamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan nung 2021 maging sa pelikulang “Kontrabida” na pinagbidahan ng superstar at National Artist na si Nora Aunor at dinirek ni Adolfo Borinaga Alix, Jr.

Bukod sa acting, Eisel sings and dances as well.

Siya’y kapanabayan nina Belle Mariano at Charlie Dizon sa Star Magic. Pero nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at magka-pandemic, hindi na gaanong nabigyan ng pansin at proyekto si Eisel kaya nag-desisyon siyang lumipat sa Viva.

Since may recording company rin ang Viva, ang Viva Records, posible ring matupad ni Eisel ang kanyang pangarap na maging isang recording artist.

Although maituturing na late bloomer na si Eisel sa kanyang pagpasok sa showbiz, she’s glad tinapos muna niya ang kanyang pag-aaral which was her priority then.

“Ngayon tapos na po ako sa college, I can now focus on my showbiz career,” aniya.

Looking forward si Eisel na makatrabaho ang kanyang hinahangaang couple sa bakuran ng Viva, sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli maging ang ibang stars and talents ng kumpanya.

Three years old na anak ni Jhong may showbiz leanings na

JhongJhong1ALTHOUGH magti-three-years old pa lamang sa March 27, 2024 ang first child ng singer-dancer, actor, host at politician na si Jhong Hilario at partner nitong si Maia Leviste Azores na si Sarina ay kinakikitaan na ito ng pagiging talented tulad ng kanyang ama.

Si Sarina ang dahilan kung bakit inspirado si Jhong sa lahat ng kanyang ginagawa dahil gusto niya itong mabigyan ng magandang future.

Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa maraming bagay, naisingit pa rin ng singer, dancer, host at politician ang kanyang pag-aaral na hindi naman nasayang dahil nakapagtapos siya last June 15, 2023 ng kursong Political Science bilang magna cum laude at age 46.

At home, hands-on dad si Jhong at tinuturuan din niya ang kanyang two-year-old daughter sa pagkanta at pagsayaw kaya hindi nakakagulat na paglaki ng bata ay pasukin din nito ang showbiz balang araw.

Samantala, marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapakasalan ni Jhong ang kanyang longtime partner na si Maia considering na nung 2011 pa siya divorced sa kanyang ex-wife, ang British national na si Michelle Westgate na nakilala niya sa London nung ginagawa pa niya ang “Miss Saigon” musical play sa West End in London.

Maia is 15 years his junior.

Claudine at mga anak close kay Dennis

DennisDennis1ALTHOUGH matagal nang hiwalay si Dennis Padilla sa kanyang second wife na si Marjorie Barretto, nananatili pa rin siyang close sa youngest sibling ni Marjorie na si Claudine Barretto who treats him just like her own ‘kuya.’

Alam ni Claudine na hindi in good terms ang kanyang Kuya Dennis sa kanyang Ate Marjorie at tila estranged din ito sa kanilang tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon, kaya siya na rin mismo ang nagbukas para sa kanyang Kuya Dennis para maging close sa kanya at sa kanyang mga anak.

Dumalo si Dennis sa dedication rites ng dalawa pang adopted children ni Claudine na sina Quia Aryanna at Noah Joaquin Gabriel.

Bukod sa kanyang biological son na si Santino sa kanyang ex-husband na si Raymart Santiago, ang dating mag-asawa ay may isa ring adopted daughter na si Sabina.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter @aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE