Beth nahirapan sa breastfeeding

September 21, 2021 Aster Amoyo 367 views

SAN Francisco, California, USA-based actress Elizabeth `Beth’ Jill Tamayo-Hutchinson is now a proud mom of an almost one-month-old baby girl, Sloane Isabelle, na isinilang nung nakaraang August 29, three week early sa kanyang scheduled delivery ngayong September 24.

Ibinahagi sa amin ng aktres na ngayon niya lubusang nauunawaan ang kanyang ina na si Mommy Zeny Tamayo ngayong isa na rin siyang ganap ng ina.

“It’s not easy laluna ako dito sa Amerika dahil wala kaming yaya. It’s just me and my husband (Adam Hutchinson),” pahayag ni Beth in our recent talk.

Beth is currently on leave from her office work as executive assistant at Sequoia Capital in San Francisco until January 2022 kaya matagal niyang maalagaan si Baby Sloane. She’s been working for the said company for over two years now.

Ngayon nararanasan ng mag-asawang Beth at Adam ang magpuyat dahil most of the time ay gising ang kanilang baby ng madaling araw when they’re supposed to be enjoying their sleep.

Beth admits that she felt overwhelmed nang dumating si Baby Sloane at may mga pagkakataon na umiiyak siya dahil hindi niya umano mapatigil ang bata sa pag-iyak.

Being a first time mom, marami umanong adjustments ang kailangan niyang gawin including breastfeeding na nagawa lamang niya on the second day of her delivery dahil wala umanong gatas na lumabas sa kanya on the first day. Nagtiyaga umano siyang mag-pump para lumabas ang gatas hanggang sa magtuluy-tuloy na ito. By the time na bumalik siya sa kanyang work ay four months old na ang kanyang baby at puwede na umano ito sa formula milk.

Bago ipinanganak si Baby Sloane, ang `baby’ ng mag-asawang Beth at Adam ay ang kanilang almost three-year-old Bernadoodle dog na si Lily na sa kuwarto rin nila natutulog. Lily understands na si Baby Sloane ngayon ang priority nilang mag-asawa although hindi ito nangangahulugan that they love her less.

Beth and Adam got married virtually in a civil wedding in San Francisco last March 3. On March 21, they announced that they’re having a baby girl through IVF (in vitro fertilization) at ang original delivery date ay September 24 pero maagang lumabas ang baby nung August 29, three weeks earlier.

Hindi pa man nabibinyagan si Baby Sloane, tiyak na isa sa mga tatayong godparents ay ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Bong RevillaBong mamimigay sa halip na tumanggap sa birthday

DAHIL sa pandemya, hindi na nagagawa ng karamihan sa normal na paraan ang pagsi-celebrate ng kanilang kaarawan at hindi naiiba rito ang actor-politician na si Sen. Bong Revilla who is turning a year older on September 25, araw ng Sabado.

Sa halip na magdaos ng malaking birthday party attended by his family, relatives and friends in and out of the entertainment business and politics, nag-desisyon ng mister ng actress at Bacoor, Cavite mayor na si Lani Mercado na mamigay na lamang mga mga relief goods sa mga nangangailangan.

Bubuhayin din ni Sen. Bong ang “Kap’s Agimat Birthday Giveaway” sa kanyang Facebook Live sa araw mismo ng kanyang kaarawan kung saan nakatakda niyang mamigay ng iba’t ibang premyo tulad ng laptop, cellphone at iPad kasama ang mga livelihood pachage at cash prizes.

Sa mga gustong sumali, mangyari lamang na mag-fill out ng Google form link at i-submit sa social media account ni Sen. Bong Revilla. Mag-subsribe din sa kanyang official YouTube channel at i-click ang notification bell to get updates on “Kap’s Agimat Birthday Giveaway”.

RhenRhen hindi pa makaalis ng Singapore

NASA Singapore pa rin ang “Paraluman” star na si Rhen Escano shooting her first international movie with her on the lead, ang “Sunday” opposite Vietnamese actor Ho Thanh Trung. She left for Singapore nung mid-July matapos ipalabas sa Vivamax ang kanyang hit movie with Lovi Poe and Joem Bascon, ang “The Other Wife” na dinirek ni Prime Cruz.

Excited si Rhen sa kanyang bagong solo lead movie kung saan ay katambal niya for the very first time ang comebacking actor at isa sa matinee idols ng 90’s, ang actor-painter na si Jao Mapa, mga kapanabayan noon nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Eric Fructuoso.

Si Rhen ay isa sa mga tinulungan noon ng yumaong star builder na si German `Kuya Germs’ Moreno sa kanyang now-defunct late night show, ang “Walang Tulugan with the Master Showman” kung saan niya nakapanabayan ang mga Kapuso actors ngayon na sina Ken Chan, Sanya Lopez, Jack Roberto, Jake Vargas at iba pa.

Hindi ikinakaila ng Viva fast rising star na si Rhen na kamuntik umano siyang mag-quit sa kanyang showbiz career dahil ang feeling niya ay wala siyang puwang sa industriya. Pero nag-pay off ang kanyang pagtitiyaga until such time na dumating ang panahon na binigyan siya ng break ng Viva Films sa pamamagitan ng erotic-thriller movie na “Adan” alongside former beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda.

Ang husay ni Rhen sa acting ay unang napansin nang gawin niya ang kanyang kauna-unahang Cinemalaya movie, ang “Ang Magdalola” where she got a nomination as Best Supporting Actress.

When she was signed up by Viva, hindi rin agad siya nabigyan ng proyekto hanggang dumating ang launching movie nila ni Cindy, ang “Adan” na siya rin naging daan para mapasama siya sa pelikulang “Untrue” and eventually sa kanyang pagkakapasok sa top-rating and long-running action-drama TV series, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ng actor-director na si Coco Martin.

Samantala, sobrang thankful si Rhen kay Boss Vic del Rosario ng Viva sa paniniwala nito sa kanyang talent in acting.

“Kung hindi naman siguro sa break na ibinigay sa akin ni Boss Vic at ng Viva ay wala siguro si “Paraluman”, “ aniya.

“Paraluman,” Rhen’s third lead role in a movie ay matutunghayan sa Vivamax ngayong September 24, araw ng Biyernes.

Subscribe, like, share and hit the notification button for updates on #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE