Bersamin

Bersamin kumpiyansa na maaabot P20/kg bigas

July 25, 2023 People's Tonight 185 views

KUMPIYANSA ang administrasyong Marcos na maaabot nito ang target na maibaba sa P20 ang kilo ng bigas.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin itinutuon ng administrasyon ang atensyon nito sa mga lugar na maraming taniman ng palay upang maparami ang kanilang produksyon.

“Iyong 20 peso per kilo, as we started out saying, was an aspiration. Ibig sabihin noon, it may not be soon, it may be later… maaabutan din natin iyan,” ani Bersamin.

“But you know, factors of production, hindi tayo masyadong ano dahil marami ng areas na hindi na nagpu-produce ng rice…But those areas that are producing rice, we try to maximize iyong production levels nila. That’s another thing that we are doing now in order to reach that aspiration,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Bersamin na hindi suntok sa buwan ang target na presyo bagamat maaari umano itong maapektuhan ng iba’t ibang dahilan gaya ng El Nino phenomenon.

“Pero ginagawa ng gobyerno lalo na iyong Department of Agriculture na experts ay gamitin ito na advantage din kasi there are species of rice that thrive in moderate, even during moderate El Niño—prediction of moderate El Niño occurrences,” sabi ng kalihim. “Gumagawa ng paraan ang Department of Agriculture upang hindi masyadong mahirap ang epekto sa rice production.”

Gumagawa ng paraan ang gobyerno upang madagdagan ang suporta sa mga magsasaka upang mabawasan ang kanilang gastos sa produksyon.

AUTHOR PROFILE