Belo

Belo, ’di pinapasok sa Chanel fashion show

October 8, 2022 Vinia Vivar 350 views

Hindi pinapasok si Dra. Vicki Belo sa Chanel Fashion Show sa Paris dahil na-late siya ng ilang minuto.

Kasalukuyang nasa Paris nga ang celebrity doctor para dumalo sa Chanel Fashion Show at excited siya dahil first time raw niyang maimbitahan ng nasabing luxury brand sa kanilang fashion event.

A few days ago ay ipinost pa nga ni Dra. Vicki ang imbitasyong ipinadala sa kanya ng Chanel.

“It’s the first time I’m attending the #chanel show. I’ve heard that it’s always such a beautiful show,” ang caption pa ni Dra. Vicki sa larawan ng imbitasyon.

At hayun na nga, lumipad na siya patungong Paris at makikita naman sa kanyang mga post ang ilang mga larawan niya habang nasa nasabing bansa.

Sa mismong araw ng event ay nag-post pa ng mga larawan si Dra. Vicki habang naghahanda sa pagdalo.

Sa isang larawan ay makikitang nasa harap siya ng salamin habang nagme-make-up at aniya sa caption, “Taking my time. Preparing for the Chanel show.”

Sumunod na post niya ay naglalakad na siya sa labas at patungo na sa show.

“Walking slowly. Parang namasyal lang sa Luneta,” caption niya.

Ang next post niya ay video niya at dito ay ikinukwento na niya na hindi siya nakapasok sa fashion show.

“Hi, guys, so as usual, Filipino time, I was late by 5 minutes, and they’re very strict here, sinarado na ang door. So, hindi ako makakapasok. So sad naman. Ngayon lang sana ako mag-a-attend ng Chanel.

“Pero not meant to be, okay lang,” tsika ni Dra. Vicki.

Makikita rin sa video ang mga taong nasa labas na katulad niya ay late rin.

“What happens when Chanel closes the doors on the dot! Everyone here is Team Tardy by 5 minutes,” anang doktora.

AUTHOR PROFILE