Belmonte, Tiangco, Malapitan nangunguna sa NCR survey

November 2, 2021 People's Tonight 96 views

National Capital Region (NCR) Voters Preference for 2022

QUEZON City Mayor Joy Belmonte ay nananatiling preferred choice ng mga botante sa 60% sa karera para sa 2022 Mayoralty bout laban sa contender nitong Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na may 35% rating.

Ang top-of- mind na opinyon ng botante ay nagsiwalat na sila ay may mataas na tiwala at kumpiyansa para sa kanyang pamumuno at sigasig ng kanilang direktang pakikipag- ugnayan na mga programa sa mga nasasakupan nito.

Si Mayor Toby Tiangco (80%) ng Navotas City na tumatakbo para sa pagka- kongresista at ang kanyang kapatid na si Cong. John Rey Tiangco (75%) na naglalayong maging Alkalde ay ang favored choice laban sa mag amang Gardy Cruz (10%) at RC Cruz (13%). Ang mga Navoteño ay nasisiyahan sa track record at performance ng mga Tiangco at gusto nila ang pagpapatuloy ng mga proyekto at programa.

Cong. Along Malapitan ay unbeatably favored sa Caloocan City na may 70% voters rating laban kay Cong. Egay Erice na may 25% score. Top National Capital Region (NCR) Mayor Oca Malapitan ay nakatitiyak sa kanyang lumang pwesto sa Kongreso. Binanggit ng mga botante na naniniwala pa rin sila na ang mga Malapitan ang pinaka karapat-dapat na kandidato para sa mabilis na paghahatid ng mga proyekto at programa tulad ng naranasan noong nakaraan.

Sa Pasig City, si Mayor Vico Sotto ay pa rin ang nangunguna na kandidato na may 65% na suporta ng mga botante laban sa challenger na si Vice Mayor Iyo Bernardo na nakakuha ng 33% voters’ appraisal. Nais ng mga nasasakupan na ipagpatuloy ni Sotto ang kanyang pro-poor agenda at graft free governance sa lungsod.

Mayor Marcy Teodoro na may 42% ay nasa mahigpit na laban kay Cong. Bayani Fernando na nakatanggap ng 40% voters support sa Marikina City. Dating Mayor Lani Cayetano ay nakakuha ng 62% laban kay dating Cong. Arnel Cerafica na nakatanggap ng 33% vote count sa karera para sa pagka-Alkalde sa Taguig City.

Samantala, sina Mayor Abby Binay ng Makati City, Mayor Emi Calixto-Rubiano ng Pasay City, Mayor Francis Zamora ng San Juan City, Vice Mayor Honey Lacuna ng Manila City, dating Mayor Benjamin Abalos Sr ng Mandaluyong City, Rep. Weslie Gatchalian ng Valenzuela City, Mayor Imelda Aguilar ng Las Piñas City ay hindi mapag-aalinlanganang front-runner para sa 2022 mayoralty race dahil ang kanilang mga kalaban ay nuisance candidates.

“Ang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ay non- commissioned na may 10,000 face-to-face respondents sa National Capital Region (NCR) na may 2%(+/-) margin of error na isinagawa noong October 17- 26, 2021,” saad ni Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD.

AUTHOR PROFILE