Belle

Belle, nadulas: Tinawag na “Babe” si Donny

July 10, 2023 Vinia Vivar 331 views

Viral ngayon sa social media ang video nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle kung saan ay maririnig na tinatawag ng aktres ang ka-loveteam ng “babe.”

Maikli lang ang video na ipinost sa Twitter ng user na may handle name na “Kaira-BELOVED.”

Hindi niya sinabi kung kailan kuha ang footage pero mukha namang recent lang ito.

Makikita sa video si Belle na naglalaro ng lato-lato at naroroon din si Donny and some friends.

Bigla na lang sinabi ni Belle kay Donny na “babe, try mo ‘yung lato-lato.”

Sa malas ay nadulas si Belle sa pagtawag ng “babe” dahil pati si Donny ay makikitang parang nagulat, hindi nakasagot agad at napangiti na lang.

Kung pagbabasehan ang video, puwedeng i-assume na magdyowa na ang dalawa although wala pa ngang opisyal na pag-amin mula sa kanila.

Tuwing mai-interview ang magka-loveteam ay parating tinatanong sa kanila ang estado ng kanilang relasyon pero ang lagi nilang sinasabi ay bahala na ang tao mag-isip basta’t happy sila sa isa’t isa.

AUTHOR PROFILE