Belle Mga larawan mula sa Instagram/@belle_mariano

Belle Mariano may bagong ‘hairdo’, sey ng netizens ‘bagay!’

August 25, 2023 People's Tonight 368 views

Belle1Belle2KINABABALIWAN ng netizens ang bagong ‘hairdo’ ng singer-actress na si Belle Mariano.

Sa isang Instagram post nitong Huwebes, Agosto 24, ibinandera ng dalaga ang kanyang new look.

“hi kulot!” pahayag ng aktres sa caption ng kanyang post.

Agad namang pinusuan ito ng netizens na umabot na sa kasalukuyan ng 151K likes. Sey rin ng kanyang mga tagahanga na bagay kay Belle ang pagiging kulot.

“HOY OMG BAGAY,” komento ng film director na si Petersen Vargas.

“living for this hairstyle aaaahhh,” pahayag naman ni user @happyhannae.

“NAPAKAGANDA MO NAMAN MADAM!” sey ni user @kholeenjvr.

“Gandang kulot naman nito,” komento naman ni user @christyespanto.

“Bagay sayo belle,” saad ni user @kieramirez.

“Hello sayo ms. kulot! Bagay!” ani user @ann_christie12.

AUTHOR PROFILE