Libro

Bela-Yoo Min Gon movie, ikatutuwa ng K-drama addicts

April 2, 2023 Vinia Vivar 350 views

Pangalawa na ang ’Yung Libro sa Napanood Ko sa mga napanood naming 1st Summer Metro Manila Film Festival entry na tumatalakay sa mental health issue.

Ang una ay ang Unravel nina Gerald Anderson at Kylie Padilla na nagkaroon ng screening last Thursday.

Napanood naman namin ang Yung Libro sa Napanood Ko sa ginanap na red carpet premiere night last Friday.

Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan nina Bella Padilla at Korean actor na si Yoo Min Gon.

Multi-tasking si Bela in this film dahil bukod sa siya ang bida ay siya rin ang writer and director.

What makes the movie more interesting ay sa South Korea ang setting nito na tiyak na ikatutuwa ng mga Korean drama addict.

Another thing ay based ito sa Korean book na To Room Nineteen na featured naman sa Korean drama na Because This Is My First Life, that’s why, literal talaga ang title na ’Yung Libro sa Napanood Ko.

In her past interview ay sinabi ni Bela na napanood niya ang K-drama na Because This is My First Life at nagustuhan niya agad ito dahil walang contravida at magaan panoorin.

“I said to myself I wanted to do something based on this K-drama with no contravida but addresses mental health issue,” ani Bela in her recent interview.

Sa simula ay aakalain mong the usual boy-meets-girl ang kwento ng movie but it gets more interesting habang tumatagal partikular na nga sa twist nito sa bandang kalagitnaan.

We won’t give out any more spoiler at panoorin n’yo na lang ang movie na showing na sa April 8.

AUTHOR PROFILE