bella

Bela, nilinaw ang pagtira sa London

November 28, 2021 Vinia Vivar 108 views

Itinanggi ni Bela Padilla na iiwan na niya ang showbiz at sa London na maninirahan na naging interpretasyon ng maraming tao matapos ang kanyang announcement kamakailan.

“I’m getting a lot of DMs asking me why I quit my job. I didn’t say I was gone for good. I’m just currently based in London since the pandemic is still ongoing. In fact, I have a movie coming out in February and had a call from Viva yesterday to write my next film already,” ang paglilinaw ni Bela sa kanyang Twitter account.

Inakala kasi ng marami na magku-quit na sa kanyang showbiz career dito sa ’Pinas ang aktres matapos niyang mag-tweet na nag-move na siya sa London.

“So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like now, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video,” ang nauna niyang tweet.

Akala nga rin ng iba ay ikakasal na siya sa kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay who lives in Zurich, Switzerland.

May mga nagtatanong nga rin kung binabawalan ba siya ng BF na magtrabaho pa.

Pero mukhang hindi naman binabawalan ni Norman si Bela dahil sumagot ito sa tweet ng GF.

Aniya, “I don’t think you are capable of not working.”

AUTHOR PROFILE