Turla Sinisiyasat ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District, ang report kaugnay sa babaeng nahulog mula sa 39th floor ng isang gusali sa Malate, Manila.

Bebot nahulog mula sa 39th floor ng building

February 8, 2025 Jonjon Reyes 285 views

PATAY ang isang babae matapos umanong mahulog mula sa 39th floor ng building sa Malate, Manila noong Miyerkules.

Nakilala ang biktima na si alyas Carmen, 50, ayon sa police report.

Ayon sa report ni Police Capt. Dennis Turla, dakong alas-5:25 ng hapon nangyari ang insidente sa harap ng Admiral Baysuites sa Malate, Manila.

Huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-7:30 ng umaga bago nag-check-in sa Airbnb unit na pagmamay-ari ni Rosemarie Oriol.

Nag-book ang biktima noong nakaraang linggo, ayon sa report.

AUTHOR PROFILE