Bebot Isinilaysay ni Police Lt. Col. Roberto Mupas ang buy-bust na nagresulta sa pagkaka timbog sa drug suspek at nasamsam ang mahigit P1.8 million na halaga ng iligal na droga sa Binondo, Manila.

Bebot na suspek na tulak laglag sa P1.8M na shabu

February 9, 2025 Jonjon Reyes 174 views

TIMBOG sa mga pulis ang babae na umano’y tulak ng ipinagbabawal na gamot sa Delpan St. at C.M. Recto Avenue, Binondo, Manila noong Biyernes.

Nakilala ang suspek na si alyas Boss Jackie, 29. Nasabat mula sa suspek ang 265 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,802,000.

Ddinala ang naarestong suspek sa custodial facility ng Meisic Police Station habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa prosecutor’s office.

AUTHOR PROFILE