Default Thumbnail

Bebot na online seller kalaboso sa Malate

January 19, 2023 Jonjon Reyes 267 views

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section (MPD-WSS) ng Malate Police Station (PS) 9 ang isang 35-anyos na babaeng online seller sa kaniyang bahay dahil sa dalawang patong na kasong “estafa” sa Leon Guinto, Malate, Maynila Miyerkules ng umaga.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, station commander ng Malate PS 9, pasado alas-10:55 ng umaga (Enero 18), nang damputin ang dalaga sa harap ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Pinangunahan nina P/Maj. Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Investigation Branch at P/Capt. Josephuz Melpaz ng Station Warrant Section at ng mga tauhan nito sa direktiba na rin ni Tangdol.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Presiding Judge Aida Dacara Califlores Romero, ng Metropolitan Trial Court Branch 122 ng Las Piñas City na may petsang Enero 10, 2023 dahil sa two counts of estafa at may kabuuang P36,000 inilaang piyansa.

AUTHOR PROFILE