Bebot Ang suspek matapos na matimbog sa Bulacan. Kuha ni JON-JON C. REYES

Bebot na MWP tiklo sa Bulacan

July 4, 2023 Jonjon Reyes 384 views

INARESTO sa bisa ng arrest warrant ang isang 41-anyos na dalaga sangkot umano sa iligal na droga Lunes ng hapon sa Marilao, Bulacan.

Nakilala lamang ang suspek na alyas “Lyn,” nanunuluyan sa Marilao.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., Manila Police District- Moriones Police Station 2 commander , bandang 4 p.m. maaresto ang dalaga sa Block 37, Lot 19, Northville 4B Marimel.

Ayon sa isang impormante, ang suspek ay naglulungga sa nasabing lalawigan.

Dito na inutos ni Ibay kay Police Captain Bong Dato, hepe ng Warrant Section/ Intel Section, ang surveilance sa lugar , kasama ang iba pang operatiba.

Hindi na nakapalag nang lapitan ang dalaga at silbihan ng arrest warrant na inisyu ni Judge Juliet Azarra – Chanyongco, ng Regional Trial Court Branch 49 ng Manila na may petsang July 1, 2022, dahil sa paglabag sa Section 11 Article II ng Republic Act 9165.

Inutos ng korte na maglagak ng piyansang P 120,000 ang dalaga para sa pansamantala nitong paglaya

Ang suspek ay Top 4 most wanted person sa station level.

AUTHOR PROFILE