Batangas

Bebot na call center agent timbog sa Batangas

November 20, 2023 Jojo C. Magsombol 91 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Hindi nakaporma noong Sabado ang isang 26-anyos na babaeng call center na babae nang arestuhin dahil sa paglabag sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act sa Brgy. Dumantay, Batangas City.

Residente ng naturang barangay ang suspek na nakilala sa alyas Ycay, ayon sa report ni Batangas Police Provincial Office (BPPO) Director Police Colonel Samson Belmonte kay CALABARZON police chief Brigadier General Paul Kenneth Lucas.

Dakong alas-6:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek ng mga operatiba ng Batangas City Police Station (CPS) kasama ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Batangas PPO at Batangas Provincial Mobile Force (BPMF) 1st Company.

Nasa kustodiya ng Batangas CPS si alyas Ycay para kaharapin ang kaso laban sa kanya.

“Naging matagumpay ang operasyon na ito dahil na din sa pakikipagtulungan ng komunidad,“ sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE