Drugs Nagsagawa ng imbentaryo ang mga operatiba ng MPD matapos mahuli ang dalawang suspek. Kuha ni JONJON C. REYES

Bebot, kelot swak sa P.5M droga sa Malate

June 18, 2024 Jonjon Reyes 217 views

SWAK sa malamig na rehas na bakal ang isang bebot at isang kelot na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos ikasa ang buy-bust operation ng MPD Malate Manila sa kahabaan ng Roxas Boulevard Service Road sa Barangay 701,Malate,Manila, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, hepe ng MPD Malate Police Station 9, ang mga suspek na sina alyas “Waw”, 42, residente ng F.Munoz St., Pasay at ang bebot na si alyas “Naifa”, 21, ng Bicutan, Taguig.

Batay sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ng Manila Police District Station 9, bandang 2:45 ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU ang buy-bust sa naturang lugar,matapos makatanggap ng tawag mula sa impormante kaugnay sa bentahan ng ilegal na droga sa nabangit na lugar..

Sa isinagawang buy-bust ng mga kapulisan, narekober ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 82 gramo na nasa tatlong bulto ng plastic sachet na nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyon P557,600.

Dahil dito swak sa selda ng MPD Malate ang mga naarestong suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.

AUTHOR PROFILE