
Bebot huli sa illegal recruitment sa Mabini
NATIKLO ng mga pulis-Mabini ang babae sa kasong illegal recruitment at estafa sa Brgy. Majuben, Mabini, Batangas kamakailan.
Ang pag-aresto kay alyas Marites, 49, isinagawa ng mga tauhan ng Mabini police pasado alas-12:00 ng tanghali sa bisa ng warrant of arrest para sa krimeng malawakang ilegal na recruitment at estafa.
Pirmado ni Judge Richard Tagasa Domingo ng Candon City Regional Trial Court.