Kulong File photo ni JONJON C. REYES

Bebot hinila sa contruction site, ginahasa; suspek, huli

June 12, 2024 Jojo C. Magsombol 277 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas — Isang lalaki na inakusahan ng panggagahasa ng isang babae nag naaresto sa Brgy. Pulong Niogan, Mabini, Batangas, Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon sa report ng Mabini police kay Batangas police director P/Col. Jacinto R. Malinao, Jr. ang biktima ay humingi ng tulong sa mga duty patroller na sin a Pats Eban at Comia na noon ay nagpapatrulya sa kahabaan ng Brgy. Pulong Niogan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakipag-inuman ang biktima kasama ang kanyang kaibigan sa isang resto bar.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ang biktima sa nasabing bar at hinintay ang kanyang kasama.

Bigla sumulpot ang suspek na si Alyas Richard at puwersahang dinala ang babae sa kanyang silid sa loob ng isang construction site malapit sa nasabing bar at pwersang ginahasa.

Ang suspek ay agarang inaresto ng mga rumespondeng pulis at kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng Mabini MPS para sa kaukulang disposisyon.

AUTHOR PROFILE