Binaril

Bebot dumalo sa b-day party, binaril sa ulo, agaw-buhay

August 12, 2024 People's Tonight 94 views

AGAW-buhay ang isang 47-anyos na ginang nang barilin sa ulo ng pulis noong birthday ng ama nito sa Quezon City noong Linggo.

Patuloy na inoobserbahan sa Quezon City General Hospital ang biktima na residente ng Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City.

Arestado ang suspek na sarhento sa Manila Police District (MPD).

Nangyari ang pamamaril bandang alas-8:30 ng gabi sa tahanan ng ama ng pulis sa Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City.

Dumalo umano ang biktima sa birthday party ng ama ng suspek.

Nagselos umano ang ginang sa nabasang mga text message mula sa cellphone ng pulis na nagresulta sa mainitang pagtatalo hanggang sa humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.

Nakapiit na ang pulis sa Talipapa Police Station habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya.

AUTHOR PROFILE