Default Thumbnail

BEBOT DEDO SA ‘HITMAN’ SA ERMITA

March 27, 2023 Jonjon Reyes 319 views

DEAD on the spot ang isang 36-anyos na babae matapos barilin ng hinihinalang ‘hitman’ 11:40 a.m. ng Linggo sa kahabaan ng Muelle Del Riom sakop ng Barangay 659, Ermita, Manila.

Nakilala ang biktimang si Sandra Yap a.k.a. Kim ng Dumpsite, Bgy. Catmon, Malabon City.

Mabilis tumakas ang suspek na nakilala lamang bilang alias Adel, sinasabing residente ng Carlos Palanca Sr. Street, Quiapo, Manila bitbit ang ginamit na baril.

Ayon kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, nasaksihan ng isang testigo na binaril ang biktima ng malapitan.

Agad na nagtungo sa lugar ng krimen si Senior Master Sargent Dennis Suba , may hawak ng kaso , kasama ang grupo ng MPD- Forensic Unit sa pangunguna ni Police Lieutenant Rex Manlansing upang mangalap ng mga ebidensiya.
Matapos maidokumento, dinala na ang bangkay sa Punerarya Cruz, para sa kaukulang awtopsiya.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan para sa agarang pag-aresto sa suspek at mabigyan ng hustisiya ang pagkamatay ng biktima.

AUTHOR PROFILE