Default Thumbnail

Bebot, 3 pa timbog sa Manila buy-bust

November 24, 2021 Francis Naguit 340 views

APAT na indibwal kabilang ang isang babae na umano’y tulak ng iligal na droga ang binitbit ng mga operatiba ng Manila Police District , makaraang ilatag ang buy-bust operasyon sa Baseco Compound, Port Area, Manila hapon nitong Martes.

Nakilala ang target ng operasyon na si Norma Batua, 40, residente ng 12th Street, Barangay 650, Port Area.

Samantala, swak din sa operasyon ang umano’y buyer ni Batua na sina alyas Toto, miyembro ng Batang City Jail, residente ng Baseco Compound,Port Area; isang alyas Murphy 39, kaanib ng Sputnik Gang, at isang alyas “Danica” na pawang residente ng 1933 Tioco St., sa Barangay 91, Tondo.

Base sa ulat ni P/ Lt.Col. Robert Domingo, MPD- Station 13 commander, bandang 2:30 p.m. nang isagawa ang buy-bust sa kahabaan ng 12th Street sa Port Area.

Sa pangunguna ni P/ Cpt.Edwin Fuggan nang iutos nito sa isa sa kanyang tauhan na magkunwaring bibili ng shabu.

Pinaunlakan naman ito ni Batua at nang magkaabutan ng pera kapalit ng shabu dito na dinamba ng iba pang awtoridad ang suspek at maging ang tatlong biyahero ay binitbit din sa presinto.

Ayon kay Domingo, dahil sa matinding kautusan ni NCRPO Director, P/ Major General Vicente Daneo Jr. at P/ B.Gen. Leo “Paco” Francisco na patindihin ang kampanya kontra droga, agad tumalima ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) at nadakip ang apat.

Sa report ng pulisya, anim na nasa plastic sachets ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga awtoridad. Ang droga ay tumitimbang umano ng 51.9 na gramo at nagkakahalaga ng P352, 000.00.

Dahil dito , nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 Sec 5 at 11 si Batua habang paglabag RA 9165 Sec 11 naman ang kaso ng tatlo pang kasamahan nito.

Pinuri ni Danao ang mga tauhan ni Domingo na pawang miyembro ng SDET dahil sa patuloy na kampanya ng mga ito laban sa droga. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE