PAGASA Source: DOST Pagasa

Bebinca humina, habagat pinalalakas — PAGASA

September 13, 2024 Melnie Ragasa-limena 165 views

KAHIT humina na ang bagyong Bebinca pinalalakas pa rin nito ang southwest monsoon o habagat na magdadala ng matinding pag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA.

Ayon sa PAGASA, inaasahang papasok si Bebinca sa Philippine area of responsibility (PAR) Biyernes ng hapon o gabi ngunit mananatili itong malayo sa kalupaan ng Pilipinas.

Ang bagyo, na nasa layong 1,500 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, taglay ang lakas ng hangin na 85 kilometro bawat oras at may pagbugsong aabot sa 105 kph.

Kumikilos si Bebinca pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph na may lakas ng hangin na umaabot palabas hanggang 680 km mula sa gitna.

Inaasahang lalabas din ng PAR si Bebinca sa Biyernes ng gabi o madaling araw ng Sabado. “In the near term, Bebincawill remain as a tropical storm and further weakening is not ruled out.

However, it is forecast to re-intensify into a severe tropical storm tomorrow and may even reach typhoon category over the East China Sea,” dagdag ng state weather bureau.