Rachel Peters

Beauty queen nauna ang pagbubuntis kaysa pagpapakasal sa politician

June 4, 2021 Aster Amoyo 267 views

BABY girl ang ipinagbubuntis ngayon ng 2017 Miss Universe Philippines at pumasok sa Top 10 ng 2017 Miss Universe na si Rachel Peters courtesy of her politician fiancé, ang Camarines Sur Governor na si Migz Villafuerte. The couple got engaged in 2019 and was supposed to get married in Indonesia nung nakaraang taon pero ito’y na-postpone dahil sa pandemya.

Sa halip na pagtuunan ng pansin ang kanilang kasal, mas nakatuon ngayon ang attention ng couple sa kanilang magiging first baby.

Malamang na ituloy nina Rachel at Gov. Migz ang kanilang wedding kapag naisilang na ang kanilang unang baby.

Anak ni Direk Erik sumusunod sa kanyang yapak

Erik Matti

PROUD ang veteran and award-winning director na si Erik Matti sa kanyang anak na si Nicole Ong Matti dahil gusto nitong sumunod sa kanyang mga yapak bilang film director.

“I am happy to be working side by side with (my) daughter Nicole Ong Matti. She’s an aspiring film course graduate of UP but decided because of the pandemic to do a shortcut and work on the field rather than finish the one year she has left in her film course.

“I wasn’t there when she was growing up in Bacolod. She was born in Manila but when their mom and I separated she stayed in Bacolod.

“It was only a few years back when I spent time with her when she was sent to Manila to finish her college.

“Since then we’ve been together as father and daughter and I realized she has filmmaking in her blood even if we parted ways when she was young.

“The stronger genes dictate who we are.

“Can’t wait to mold you, Nixy into the best professional not the artist, you could ever be,” post ng proud father na si Erik sa kanyang Facebook account.”

Si Direk Matti ay isang award-winning writer, cinematographer, actor at director. Nanalo siya ng Best Original Story and Best Screenplay (along with the late megman na si Peque Gallaga and Lore Reyes) for the movie “Magic Temple”. Nakapag-uwi rin siya ng Best Cinematographer at Best Director trophies for the film, “On the Job” and several Best Director awards for “Honor Thy Father,”

“Seklusyon” at “Food Lore” (for the episode “Island of Dreams”). Nakapag-uwi rin siya ng Best Screenplay (along with his present wife na si Michico Yamamoto) for “Honor Thy Father”.

He also co-founded the film company, Reality Entertainment with Dondon Monteverde, the son of Regal matriarch Mother Lily Monteverde.

He has directed over two dozen films which include “On The Job,” “Honor Thy Father,” “Seklusyon,” “Rigodon,” “Exodus,” “Dos Ekis,” “Tiktik: The Aswang Chronicles, “Pa-siyam,” “Gagamboy” at iba pa.

Sexy actress nag-back out sa Claudine-Mark Anthony reunion movie

ISA kami sa na-disappoint sa pagba-back out ng sexy singer-actress na si Kara Madrid (Kara Mitzki in real life) sa reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na “Deception” (final title) na pamamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan at joint production ng Viva Films at Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio. At the last minute ay umatras ang singer-actress.

Nagpadala ng text message si Kara sa big boss ng Borracho Films na si Atty. Ferdie Topacio and it reads:

“Good pm Atty! I want to thank you for casting me in the movie. I really appreciate you for giving me your trust but I’m afraid I cannot commit to those ‘sexy roles’ anymore because I recently committed myself to God and my current conviction doesn’t align with my previous image as a ‘sexy actress’. I’m sorry to disappoint you but I’m hoping that maybe we can still work on some future projects that are wholesome and will not interfere with my spiritual growth and religious beliefs. I kindly hope for your understanding.

“Thank you and God bless.”

Bukod sa “Deception” movie nina Claudine at Mark, magpu-produce din sana ang Borracho Films (in cooperation with Viva Films) ng isang sexy launching movie ni Kara pero hindi na rin ito matutuloy dahil sa pagbabago ng isip ng huli.

Gusto sana ni Atty. Topacio na si Rhen Escano o di kaya ang dating beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda ang pumalit sa kanya pero ang dalawa ay busy ngayon sa kanilang magkahiwalay na movie projects sa Viva.

Since Viva has an array of talented stars and actresses, hindi magiging problema sa kanila ang magiging kapalit ni Kara sa pelikulang “Deception” na magsisimula nang mag-grind on June 10.

Kara’s loss is definitely a gain sa sinumang actress na mapipisil ng Viva at Borracho Films bilang kapalit niya.

Producer umaasang ‘di mauuwi sa demandahan ang pagkabalam ng pelikula

DISAPPOINTED ang newbie film producer na si Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Films sa production ng kanyang first film bilang producer, ang “Mamasapano,” isang star-studded film na pinamamahalaan ni Lawrence Fajardo. Ang nasabing pelikula ay nagsimula nung isang taon na dapat sana’y matagal nang tapos based on his projection. Pero dahil umano sa pagpapabaya ng mga taong inasahan niyang makakapag-deliver ng finished product, hanggang ngayon ay hindi pa ito tapos laluna ang mga exterior scenes ng pelikula na dapat sana’y kinunan nitong summer. Pero pasok na ang tag-ulan ay hindi pa rin kumpleto ang filming ng pelikula dahil halos lahat ng mga involved sa production ay may iba nang proyektong pinagkakaabalahan at kasama na rito ang director na si Lawrence Fajardo maging ang ibang members ng cast.

Umaasa ang de kalibreng abogado na si Atty. Topacio na hindi mauwi sa demandahan ang kanyang kauna-unahang proyekto. His second film production, ang “Deception” na balik-tambalan nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez ay Viva na ang magha-handle ng produksyon para walang bulilyaso tulad ng kanyang “Mamasapano” movie.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE