Zanjoe

Beauty queen-actress, nagpasalamat kay Jake… I’m in a better place now — Kylie

May 20, 2022 Vinia Vivar 372 views

Inamin ni Kylie Verzosa na malaking tulong ang ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca para magampanan niya ang kanyang karakter sa Vivamax Original Movie na Ikaw Lang ang Mahal opposite Zanjoe Marudo.

“Gusto ko lang pong sabihin nu’ng sinu-shoot namin ‘to, Jake was a very big part of my process of building Lira dahil malaki po ang inspirasyon niya sa buhay ko noon.

“Kaya hanggang ngayon, malaki po ang pagpapasalamat ko sa kanya dahil malaking parte ng journey ni Lira si Jake,” pahayag ni Kylie sa private screening ang presscon ng Ikaw Lang ang Mahal recently.

Ginagampanan ni Kylie sa pelikula ang papel na Lira na na-in-love sa karakter ni Zanjoe.

On the outside, she’s smart and happy go-lucky but deep inside is a broken woman.

Nang makatsikahan namin nang solo sina Z at Kylie after the presscon ay muling naitanong sa beauty queen-turned-actress si Jake.

Hindi pa kasi siya nagbibigay ng pahayag matapos kumpirmahin ng ex-BF last month ang kanilang split-up.

Pero ayon kay Kylie ay hindi pa siya ready na magsalita tungkol dito.

“Siguro sa tamang panahon makakapagkwento ako or salita, pero sa ngayon, hindi pa siya tamang panahon,” ani Kylie.

Mas okay na raw siya ngayon kesa noong first presscon ng movie na talagang ayaw niyang pag-usapan si Jake.

“I’m better na ngayon. I’m in a better place now than where I was before,” she said.

Kinumpirma niyang magkaibigan pa rin sila ni Jake.

Matitindi ang love scenes nina Z and Kylie sa movie but we’d say, artistically done naman lahat lalo na nga ang mainit nilang eksena on top of the mountain kung saan ay pareho silang hubo’t hubad.

Tinanong namin si Kylie kung ano ang reaction ng parents niya na nanood din sa private screening.

“Hindi ko talaga alam,” natatawa niyang sabi. “Hindi ko talaga sila in-invite pero in-invite nila ‘yung sarili nila, wala na akong magawa, parents ko sila.”

Hindi ba siya kumportable na mapanood ng parents niya ang mga love scene niya?

“Hindi,” natatawa niyang sambit. “Hindi talaga. Pero wala na akong choice, eh. Wala, nagalit na ‘yung daddy ko sa ‘kin. Sabi niya, ‘I’m gonna watch.’ Okay, sige.”

Dagdag pa ng dalaga, “Ayaw ko silang ma-shock or masaktan, pero mukha naman silang happy.”

Grateful naman daw siya na sobrang supportive ng parents niya sa kanya.

Samantala, si Z naman ay natanong namin kung hindi ba siya nailang o na-intimidate habang ginagawa niya ang love scene with veteran sexy star Lara Morena.

“Nu’ng nabasa ko siya (script) and nalaman ko na si Miss Lara ‘yung gagawa, medyo na-excite naman ako kasi parang comeback niya ‘to, ’di ba, sa isang pelikula? At parang hindi ko pa siya nagawa before, ‘yung ganu’ng klaseng scene. So, experience ‘yun, kumbaga, bilang aktor,” he said.

Ang Ikaw Lang ang Mahal ang first team-up nina Zanjoe at Kylie mula sa direksyon ni Richard Somes.

Kasama rin sa pelikula si Cara Gonzalez, na hindi rin nagpatalbog sa aktingan kina Zanjoe at Kylie at siyempre, pati na rin sa love scenes.

Isa pang malaking plus point sa pelikula ang cinematography na huling-huli ang ganda ng Sagada kung saan kinunan ang pelikula.

Kasalukuyan nang napapanood ang Ikaw Lang ang Mahal sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE