Bb Pilipinas

Beauty pageants ceasefire muna?

September 4, 2021 Joey Aquino 566 views

MISS International 2021 is now cancelled.

Ito ang opisyal na pahayag ng organizer nito kamakailan. Actually, it’s a sound decision given the pandemic, especially that there are new variants that continue to spread across the globe. Pero malungkot na balita ito para sa mga bansang may opisyal nang kandidata para sa Japan-based pageant. Lalo na sa ating pambato na si Bb. Pilipinas-International Hannah Arnold, na handang-handa na. Ika nga, nawala bigla ang momentum.

Samantala, pilit naman nag-iingay ngayon ang Miss Universe Philippines para sa staging ng 2021 edition nito. Nakatakda ang coronation night nito sa September 25. Virtual din itong mapapanood. Kung anu-ano ring gimik ang ginagawa. Iba’t-ibang challenge ang pinagawa sa mga candidate, kulang na lang pakainin sila ng exotic food o tumulay sa alambre. Halos gawin na raw itong extra challenge, puna ng ilang citizens. From 100 aspirants, now it whittles down to 30 finalists competing for the right to represent the country to the Miss Universe 2021 happening in Israel this coming December.

Samantala, inabutan ng huling ECQ ang staging ng Miss World Philippines na nausog nang nausog ang coronation night na sana’y dapat noon pang July 25 natapos. It was reset on August 8, which was eventually cancelled again following the implemenation of ECQ in NCR. Hanggang ngayon hinihintay pa ang official announcement ng organizer kung kailan ang finals nito. Dahil sa pagka-cancel nito, una nang pinadala si Dindi Pajares bilang official candidate sa katatapos na Miss Supranational 2021 na ginanap sa Poland. Mismo ang mga candidate ang pumili kay Dindi na dinaan sa botohan. Dindi won a special award as first runner-up Miss Elegance and finished as one of the Top 12 in the pageant. As for the Miss World, its coronation night will be held in Puerto Rico on Decenber 21.

Both local and international beauty pageants try to keep their organizations afloat amid the global pandemic. Kanya-kanyang raket lang naman yan. Pero dapat ma-realize din nila ang pansamantalang pagpapatigil sa pagdaraos ng anumang pageant habang patuloy ang mutation ng iba’t-ibang variant. Tutal magiging limited din ang movement ng mga tatanghaling reyna. Hindi rin nila ma-maximize ang reign nila dahil sa mga restriction kaugnay sa pandemic.

Gaya nang tanong ng isang kaibigan sa panulat, relevant pa rin ba ang mga beauty pageant ngayong panahon ng pandemya? Just asking…

AUTHOR PROFILE