Beauty game tanggapin ang love child ng asawa
Sa pangatlong pagsasama nina Sen. Bong Revilla at Beauty Gonzalez sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” Season 3 ay mas lalo pang nakilala ng aktres ang kanyang leading man.
“He’s very funny, mabungisngis talaga siya. Kapag nasimulan mo siyang patawanin, ang tagal tumigil,” natatawang pagde-describe ni Beauty kay Sen. Bong sa ginanap na mediacon last Saturday.
Pero mula noong unang pagsasama nila hanggang ngayon ay consistent daw si Sen. Bong sa pag-aalaga, hindi lang sa kanya, kundi sa lahat ng cast.
“He’s still the same, mabait, maalaga sa lahat ng cast, and he lets everybody shine. So, walang nagbabago, gan’on pa rin siya. The first time I met him and until now, which is really nice kasi binigyan niya kami lahat (ng chance) na mag-shine,” ani Beauty.
Nagpapasalamat din ang aktres sa GMA-7 at kay Sen. Bong sa pagtitiwala sa kanya sa proyektong ito.
“Napakita ko rito na I’m funny, too. Hindi lang drama,” sambit ng aktres.
Dahil sa trailer ay makikita ang eksenang tila may anak sa ibang babae si Tolome (Bong) na gagampanan ni Jillian Ward, natanong si Beauty kung sa totoong buhay ay ano ang gagawin niya sakaling may ipakilala sa kanyang anak sa labas ang mister niyang si Norman Crisologo.
“Well, masa-shock ako sa una for sure. I will be like, ‘Pa, paanong nangyari?’ But at the same time I would welcome the child ‘coz hindi naman niya kasalanan ‘yun,” ani Beauty.
Pero siyempre, magre-request muna siya ng DNA test at kung talagang mapapatunayang anak ng mister niya ay tatanggapin naman niya.
“Kung anak ni Norman ‘yun, he or she is welcome to the house. Hindi naman natin pwedeng pabayaan ‘yun. Suporta ako if it happens,” wika pa ng aktres.
Pero natatawa niyang pahabol, “Which I hope not naman.”