BEAUTY-ful
MULING pinaranas ng aktres na si Beauty Gonzalez ang paraiso na sa kanya lang malalasap.
Ibinida nga ng ‘Stolen Life’ actress sa kanyang Instagram ang katakam-takam nitong sex appeal sa ibinahagi niyang larawan kalakip ang isang tula.
Nasa bundok o kagubatan man si Beauty, biyaheng langit naman ang kanyang mga lalaking tagasubaybay sa mala-anghel na ganda ng celebrity mom at mala-halimaw niyang hotness.
Maihahambing nga sa paraiso ang perpekto niyang hubog. Manlalaki ang mga mata ng kahit na sinong kelot na mapapatitig dito. May dalang nakakabaliw na karisma ang kanyang toned body at glowing skin.
Breathtaking man ang ganda ng background sa larawan, pokus pa rin ang netizens kay Beauty na kabogera ang pag-awra sa suot na two-piece swimsuit.
Malakas pa rin ang dating ni Beauty sa mga anak ni Adan. Hindi pa rin nawala ang kanilang pantasya sa aktres kahit na may sarili na itong pamilya.
May bakod man o wala, hindi ito naging dahilan sa mga nasa opposite sex para siya’y hangaan. Patuloy nilang ituturing na paraisong may magandang tanawin ang gaya ni Beauty.
Nag-apoy nga ang comment section ni Michelle. Hanga rin sila sa inilagay niya sa caption ng post.