
Beauty binandera ang wetpaks
IBINIDA ng aktres na si Beauty Gonzales-Crisologo ang kanyang flawless body sa isang Instagram post nitong Biyernes, Oktubre 6.
Ibinahagi ni Beauty ang isa niyang mirror shot selfie na suot-suot ang isang napaka-daring na swimsuit.
Sa very revealing na black swimwear ng aktres ay halos makikita ang buong butt ni Beauty.
Pahayag naman niya na para sa katulad niyang probinsyana ay medyo nakakatakot magsuot ng ganoong uri at disenyo ng swimwear, pero masaya naman daw siya na nasubukan niyang makapagsuot ng ganoon kahit isang beses lang.
“These modern swimwear designs are sometimes a bit scary for a provincial girl like me, but with a little encouragement I guess I’m happy to try it once,” sey ni Beauty sa caption ng kanyang post.
Paalala rin ni Beauty na ang pagsusuot niya ng very revealing swimsuit na nasa larawan ay hindi inirerepresenta ang buo niyang pagkatao. Ibinabahagi lamang niya sa moment na iyon ang isang bersyon ng kanyang sarili.
“I know this photo will be seen far beyond this room, but photos are just photos, they have a slight disconnect with reality, a little bit like acting, it’s not entirely you. Just a version of you to present to the world for that one moment,” pahayag ng aktres.
Napa-comment naman ang ilang netizens sa larawan ni Beauty.
“Exactly my thoughts in wearing swimsuit! Will save this caption for later. Thank you Miss Beauty as a Probinsyana here.”
“Gorgeous, agree with you, we all do that acting sometimes.”
“Alam mo Ms @beauty_gonzalez your name really fits your personality. Wholesome and sexy beauty at the same time. Take note hindi malaswa. You are gifted!”